30

2.6K 99 2
                                    

Sky pov

Nandito na siya sa pilipinas ang babaeng Mahal na Mahal ko.
Si Marione, ako kaya ang dahilan ng pagkamiss niya at pagbabalik?.

Agad Naman ako napangiti dahil sa isip ko ng biglang sumagi SA isip ko Yung baklang asawa Ko.

Agad nawala ang aking ngiti bago ko sinipa ang aking upuan dito saking opisina.

Oo nga pala kasal na ako.
Kasal ako sa baklang Yun at Siya ang dahilan kung bakit wala na kami ng taong pinakamamahal ko.
Sinira niya ang gusto ko sanang mangyari.

Agad na akong umuwi sa aming bahay.

Agad naman niya akong sinalubong at akmang hahalikan sa pisngi ng bigla akong lumayo at pumunta agad sa kusina.

"May pagkain na bang nakahain?, Gutom na ako kaya ipaghanda mo Ko" ang utos ko sa kanya at agad siyang pumunta roon at kumain na ako.

Nakatayo lang Siya at pinapanood akong kumain.

Hindi ko siya kasalo kapag kumakain ako at dapat ako lang ang kakain.
Ayaw ko siyang kasabay dahil naiinis ako sa kanya at baka may magawa na naman akong hindi maganda sa kanya.

Narinig kong tumunog ang kanyang tiyan.

Napatingin ako sa kanya at yumuko lang Siya.
Matapos akong kumain ay agad na akong naligo saka nahiga.

Ramdam ko ang pagod at sakit ng aking katawan.

Kailangan ko yata ng masahe ngayon kaya tinawag ko Siya.

"B-bakit Sky may K-kailangan ka ba?"

"Masakit ang aking katawan at pagod ako kaya Alam mo kung anung gagawin mo masahiin mo Ko bilis!"

Agad Naman siyang sumampa saking kwarto at minasahe lahat ng aking katawan.

Hindi ko siya pinayagan na magkatabi kami sa iisa lang na kama kaya doon siya sa sahig natutulog.

Hindi ko maasiwang katabi Siya.

"Ahh! Sarap naman niyan! Sige pa diin pa hanggang Jan ahh! Ang sarap!" Di ko maiwasang Sabi dahil ang sarap niya mag masahe.

Matapos niyang gawin ang pinapagawa ko ay agad na siyang umalis saking kama at naglapag ng malambot na banig sa sahig.

"I know nalaman mo na ang balita sa tv kanina" tanong niya sakin.

Agad akong napabalikwas at tinignan Siya ng masama.

"And ano naman sayo kung nalaman Ko na ang balita, teka gusto mo bang malaman ang naging reaksiyon ko tungkol sa pagbabalik niya, syempre masaya ako dahil nagbalik na siya, ano bang aasahan mo ah, wag Kang mag assume porket kasal na Tayo ay Mahal na kita at tandaan mo pinakasalan lang kita dahil kina mom and dad saka kasal lang naman Tayo sa papel kaya tigil tigilan mo yang pag iilusyon mong yan pwede!"

Nakita kong umiyak Siya at nagpunas ng mata.

"Sky, Alam ko naman Yun eh Pero Sana kahit minsan lang ituring mo Naman akong asawa mo.
At irespeto saka ginagawa ko naman ang lahat para sayo.
Naging mabuti akong asawa sayo, pinagsisilbihan kita araw araw.
Alam kong di mo ko kayang mahalin katulad ng taong Mahal mo Pero kahit minsan lang Sky, Ituring mong parang totoo tayong mag asawa at kahit sa papel lang tayo kasal pero nagsumpaan tayo hindi SA altar, hindi rin sa pari o sa simbahan kundi sa diyos tayo nagsumpaan.
At totoo lahat ng pinapakita kong pagmamahal sayo saka di Naman ako mahirap mahalin".

Napatingin ako sa kanyang umiiyak parin.

"Kahit ano pang gawin mo kahit mag makaawa ka sakin, si Marione lang ang mahal ko wala ng iba, Siya lang"

Tumango Siya at nagpunas ulit ng luha niya.

"Oo,naiintindihan ko Sky, talagang wala na akong pag asa sayo ang tanging panghahawakan ko na lang ay kasal Tayo at Mahal kita.
Hayaan mong mahalin kita ng paulit ulit kahit mahirap saka saktan mo pa ako.
Papatawarin at papatawarin parin kita.
Mahal na Mahal kita Sky.
Good night sweet dreams I love you" bago siya humiga.

Napatingin ako sa kanyang nakatalikod at natutulog na.

Kahit ang bait pa niya sakin di mamawala sakin na si Marione lang ang mahal ko at pasensya na lang Siya.









***"""""*******"""""******""*



Julian Pov.

'Kinaumahan'

Maaga akong nagising at pinaghanda lahat ng gamit saka ginawa ko na din ng pagkain para sa baon niya para di na siya mag abalang kumain sa fast food dahil hindi Naman healthy Yun.
Pinagtimpla ko rin Siya ng favorite niyang kape.

Matapos kong maihanda lahat ay saktong bumaba Narin siya at kasalukuyang inaayos ang kanyang necktie.

Nang mapansin kong hindi pantay ang kanyang pagkaayos ay pumunta ako sa kanya at nagprisintang ayusin Yun.

Ramdam kong natigilan Siya at tinitigan niya ako.

Napangiti ako ng maayos na Yun at tinignan Siya.

"Yan ok na Sky maayos na, Ito oh kain kana pinagtimpla at pinagluto na rin kita at binaonan na rin kita para di ka na mag abalang lumabas pa at kumain sa labas.
Nilagay ko Yun sa isang malaking Tupperware at ubusin Mo Sana Yun at wag ka ring magpapagod at alagan Mo yang sarili Mo.
May nilagay na rin akong mga gamot para kapag incase na masakit yang ulo mo o kahit saang parte ng katawan ay pwede Mo rin agad inumin yun.
Kompleto na rin lahat ng gamit mo dahil kanina ko pa naihanda" ang Sabi Ko sa kanya.

Tumango Naman Siya saka umalis na.

Kumaway pa ako bago siya umalis at pinaandar ang kanyang kotse.

Pinagpatuloy ko narin ang aking Gawain saka ako naglaba.

Busy ako saking paglilinis ng may nag doorbell sa aming gate.

Pumunta ako roon at pinagbuksan ang taong yun.

"Hello po sino po sila?" Ang magalang kong tanong SA lalaking Ito.

Ngumiti Siya sakin at nakipagkilala.

"Ah ako pala si Ford Lorenzo ako ang bagong kapitbahay ninyo saka bago lang ako Dito kakalipat Ko lang kase.
Saka may dala akong pagkain Ito oh tanggapin mo."

Kinuha ko naman ang kanyang dala.

"Salamat sayo saka nag abala ka pa, ikaw pala Yun bagong kapitbahay bahay namin na kakalipat pala.
Nice meeting you!"
Saka ako ngumiti SA kanya.

"Halika muna pasok ka" pumasok Naman Siya at nilibot ang kanyang tingin SA kabuuan ng aming bahay.

"Mag isa ka lang ba ditong nakatira?"
Umiling ako.
"Kasama ko ang aking asawa at Dito kami nakatira,bagong lipat rin kase kami nung nakaraan na araw at bagong kasal lang kami ng aking asawa.

Natigilan Siya at tumingin Siya ng seryoso sakin.

"May asawa ka pala, sino Naman Siya at anung pangalan niya."

"Sky Lim Reyes ang ngalan ng asawa Ko" Sabi Ko bago Siya tumango.

"Aalis na ako btw what your name again?"

"Julian, Julian Santillo"

Bago Siya umalis at ako Naman ay pinagpatuloy ang aking ginagawa.








TBC...

Please vote comment share


Arranged Married (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon