Samara's POV
Kanina ko pa pinagmamasdan ang babaeng hindi mo malaman kung namaligno o nakahithit na naman ng kung ano. Tulala kasi siya at parang wala sa sarili. Dahan-dahan kong nginunguya ang chichiryang kinakain dito sa cafeteria.
Tinignan ko ang pagkain na nasa harap niya na hindi pa niya ginagalaw.
"Oi! Wala ka bang balak kumain?" sabi ko sabay sipsip sa daliri kong nalagyan ng cheese powder.
Tumingin siya sa akin saglit bago tumingin sa pagkain at muling ibinalik ang tingin sa kawalan.
Kitang kita ang malaking ebidensya ng kawalan niya ng tulog dahil sa mga naglalakihan at nangingitim na eyebags niya.
"Psh. Daig mo pa ang may siyam na anak d'yan sa hitsura mo. Mukha kang ewan," sabi ko habang binubuksan ang chichirya niyang hindi niya ginalaw.
"Ano bang nangyari sa 'yo at sabog na sabog ka ngayon? Psh. Kaya walang nagkakagusto sa 'yo e. Hindi ka na nga kagandahan hindi ka pa marunong mag ayos. Man! Lalaki lang 'yan. Marami pang iba d'yan. Hindi lang si Kalem ang lalaki sa mundo."
Binuksan ko ang bote ng softdrinks at nilaklak ito pagkatapos ay nagsalita uli ako.
"Alam naman nating gwapo siya at hot pa. Pero masiyadong mataas ang pangarap mo, girl. Doon lang tayo sa medyo gwapo hindi 'yong sa sobrang gwapo. 'Yong mga tipong gaya ni George 'di ba? Mga ganoong lebel lang." Pagtukoy ko sa classmate namin na mukhang kalansay.
"Oh 'di ba? May jowa kana may saranggola ka pa-"
Hinampas niya nang malakas ang lamesa at tumayo. Napatingin naman ang sa amin ang iilang estudyanteng kumakain.
Kinuha niya ang bag niya at nagmartsa palabas ng cafeteria.
Eh?
Nyx' POV
Nakaupo ako at nakadukdok ngayon sa isang lamesang medyo walang tao dito sa library. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog kagabi. Hindi pa rin maiwaksi sa isipan ko ang mga nakita ko.
Hindi naman ako takot sa mga maligno pero iba pala talaga kapag nakita mo 'to ng dalawang mga mata mo at sobrang lapit pa!
Hindi ko malimutan ang nanlilisik at pulang pula na mga mata niya habang nakatingin sa akin. Paano kaya nakapasok ang isang maligno dito? Isa ba ako sa mga biktima niya?
"Ay maligno!" Napatalon ako nang may humawak sa balikat ko.
Tinignan ko ng masama si Samara na bahagyang nagulat din.
"Bakit ka ba nanggugulat?!"
"Sshhhh!" sabi ng mga estudyanteng malapit sa amin.
"Ano'ng nanggugulat? Kelan ka pa naging magugulatin ha?" mahinang sabi niya pero malakas pa rin sa pandinig dahil sa lakas ng bunganga nito.
"Shhhh! Wag nga kayo dito mag away," pabulong na saway ng isang babaeng nakasalamin na may hawak na libro.
Umirap naman si Samara at hinila ako palabas ng library.
"Ano ba kasing ginagawa mo do'n? Bigla bigla ka na lang nang iiwan. Akala ko ba besprens tayo poreber? May pa sumpa-sumpa ka pa na walang iwanan pero iniiwan mo naman ako. Sabi mo pa sa 'kin-"
Huminto ako sa paglalakad at nagkamot ng ulo.
"Saan ba tayo pupunta? Ang dami mong sinasabi!" iritang wika ko.
"E saan pa? E 'di sa gymnasium! Kung hindi ka ba naman nag inarte kahapon e 'di sana nakapagparegister na tayo!" aniya at hinila ulit ako.
Oo nga pala. Hindi nga pala kami nakapagparegister kahapon dahil nagyaya na akong umuwi kahit hindi pa tapos ang klase.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasyEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
