Nyx' POV
Bahagyang nagulat si Kalem nang sabihin kong hindi ko alam ang tungkol sa silver blood. Hindi ko naman kasi ito madalas makita. Kusa kasing naghihilom ang mga sugat nila kaya akala ko mantsa lang ito. Naalala ko no'ng araw na nawala si Beitris. Nakita kong may umagos ngang kulay silver na likido sa puso niya pero masyado na akong emosyonal para marealize kung ano iyon.
"I assumed you already know about the green vampires who have green blood. That's why they called themselves The Emeralds. And we, silver blooded vampires called The Silvers," pagkwento ni Kalem.
Tumango tango naman ako at seryosong nakikinig.
"Si Voltemir ay dating silver vampire. Siya ang kanang kamay ng aking ama noon. Magkasama nilang pinamunuan ang mundong 'to nang payapa at matiwasay. Ngunit isang araw nagkaroon ng anomalya sa palasyo. Nawala ang kalahati sa kaban ng bayan. May hinala na ako noong una ngunit hindi ako pinaniwalaan ni ama. Hanggang sa nag imbestiga ako at napag alaman kong may kinalaman nga siya rito. Si Voltemir. At hindi lang iyon, maging ang buwis ay pinatungan niya ng malaki dahilan upang lalong maghirap ang mga mamamayan."
"Kaya nang lumabas ang katotohanan ay pinarusahan siya ng reyna. Isinumpa niya ito sa pamamagitan ng berdeng dugo na nagmula sa hayop. Pandidirihan siya ng mga bampira dahil sa kakaiba nitong kulay ng mga mata at dugo. Kaya naman nagpakalayo layo na ito at hindi na bumalik pa. Akala namin ay tapos na at tinanggap na niya ang kanyang kapalaran ngunit nagulat kami nang isang araw ay dumarami na ang kagaya niya."
Huminga siya nang malalim at tumitig sa sahig.
"Hindi siya nakuntento sa layunin niyang sakupin kami kaya nang matuklasan niya ang portal ay pinaslang niya ang sorcerer na may gawa nito upang hindi na ito maisara. Kaya hanggang ngayon ay malaya silang nakakalabas-masok sa mundo ninyo."
Naalala ko ang sinabi ni Beitris tungkol sa portal pero hindi ko alam na ganito pala kalalim ang lahat.
Naputol ang kwentuhan namin nang makarinig kami ng nagmamadaling yabag sa labas pagkatapos ay mararahas na katok sa pintuan.
"Mahal na Prinsipe Nikolaus! May mga emerald na nakapasok sa palasyo! Nilulusob na tayo ngayon!" sigaw ni Kasdeya.
Sabay kaming napatayo ni Kalem sa gulat at nagkatinginan. Wala na kaming inaksayang oras at lumabas ng kwarto.
"Kasdeya, nasaan si ama?!"
"K-Kasalukuyan po silang n-nakikipaglaban n-ngayon!" nanginginig na tugon nito.
Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Kasdeya, magtago kayo sa sikretong silid," aniya habang nakatitig sa akin.
"P-Pero...paano ka?" nag aalalang tanong ko.
"Don't worry about me. I'll be back."
"Kalem, hindi! Paano kung mapahamak ka?!" nag aalalang sabi ko.
"Hindi p'wede. My Father needs me. The people need me."
Kita ko ang determinasyon sa mata mga niya.
"I'll be back okay?" Hinaplos niya ang pisngi ko.
"Kasdeya, sige na." Bumaling siya rito at saka nagmadaling tumakbo papalayo.
Hinila na ako ni Kasdeya papunta sa isang lagusan. Madilim at makipot ito na parang tunnel. Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa dulo nito na may hagdan na paibaba. Pababa na sana kami nang hilain ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"B-Bakit, kamahalan? May problema ba?" takang tanong niya.
"Kasdeya, ikaw na lang ang tumuloy. Kailangan kong bumalik."
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasiEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
