Nyx' POV
"I think she's fine. She's probably just exhausted. She'll wake up any minute now," boses ng isang babae.
"Thank you so much, doc," boses ni Amanda.
Ramdam ko ang kirot sa buong katawan ko at halos hindi ako makagalaw sa panghihina. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at puting kisame ang bumungad sa akin.
"Are you okay now, hija?" dinig kong tanong ni Amanda pero hindi ko siya binalingan.
Nanatili ang mata ko sa kisame at ni pagsagot ay hindi ko na magawa. Masyado akong mahina, hindi lang physical kundi emotional na rin.
"Can you tell me what happened, hija?" Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko at paghawak niya sa kamay ko na nakasuwero.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko kapag ibinuka ko ang aking bibig ay bubuhos ang mga luha ko. Wala akong mahanap na tamang salita upang ilarawan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko wala itong katumbas.
Bumuntong hininga siya at hinaplos ang buhok ko.
"I called your dad. He's so worried about you."
Muli akong pumikit upang iparating na gusto ko munang mapag isa at wala pa akong lakas na makipag usap. Mukhang nakuha naman niya ito at dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"I'll let you rest then, hija," anito at tumayo.
Narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan kaya naman hindi ko na napigilang humagulgol. Itinakip ko ang dalawang kamay sa mukha ko at inilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Beitris...
Hindi ko makakalimutan kung paano siya naglaho sa harapan ko. Ang mga mata niyang pinangingilidan ng luha na animo'y humihingi ng tawad at ang pag ngiti niya nang malungkot na para bang ipinahihiwatig niyang masaya siya dahil ligtas ako.
Hindi ko lang siya itinuring na kaibigan kundi para ko na rin siyang kapatid. Siya ang nagsilbing ate ko. Isang ate na kahit ano'ng mangyari hindi pababayaan ang kapatid niya, na gagawin niya lahat upang protektahan at iligtas ito sa kapahamakan.
Beitris, bakit?
Bakit mo nagawang isakripisyo ang buhay mo para sa akin? Ano'ng magandang nagawa ko sa 'yo upang gawin mo ito sa akin?
Nakatulugan ko na ang pag iyak at umaga na nang magising ako. Namumugto ang mga mata ko ramdam ko ang hapdi nito. Pinilit kong bumangon upang makaupo kaya agad akong inalalayan ng nurse na tumitingin sa akin.
Tinignan ko ang hospital dress na suot ko at mga bandages sa iba't ibang parte ng katawan ko. May mga pasa rin ako sa katawan na halos mangitim na.
"Nasaan si Tita Amanda?" garalgal ang boses ko.
"Nasa labas po ang mommy ninyo, may kausap sa cellphone."
Tumango ako at inihilig ang likod sa head rest ng kama. Saktong bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Tita Amanda.
"How are you feeling, hija?" aniya ng makalapit.
"I'm fine. Nasaan po si dad?" mahinang tanong ko.
"He came here last night pero tulog ka na. Don't worry babalik siya mamaya."
Tumango ako at tumingin sa kawalan.
"Gusto ko na pong umuwi."
Suminghap naman siya at umupo sa kama.
"Nyx, mas makabubuti kung manatili ka na lang muna rito. Mahina ka pa at hindi pa magaling ang mga sugat mo," nag aalala ang kanyang tinig.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasyEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
