Kabanata 9 - Song

47 3 0
                                        


Nyx' POV


Pinagmamasdan ko ang schedule ng klase namin this week. Wala ni isang bakanteng oras. Nadagdagan na naman kasi ang klase namin ngayong linggo kaya napilitan akong magtake ng night classes.



Nagpaalam na ako kay dad at aniya'y walang problema dahil nandyan naman daw si Amanda para magbantay kay Henriette.



"Huwag mo nang titigan 'yan. Wala na tayong magagawa," si Samara.


Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria. Ibinaba ko ang hawak na papel at bumuntong hininga.


"Ano pa nga ba?"



Malapit na kami sa cafeteria nang napansin naming nagtatakbuhan ang ilang estudyante papunta sa likod ng building.


Tumigil kami sa paglalakad at kunot noong sinusundan ng tingin ang mga tumatakbo.


"Ano'ng meron?" takang tanong ko.



Hindi naman nakatiis si Samara at hinila ang isang estudyanteng nanggaling doon.


"Oi, ano'ng meron do'n?"


"M-May bangkay na n-natagpuan sa l-likod!" hinihingal na sabi nito.


"Ano?!" sabay na sigaw namin ni Samara at agad na tumakbo papunta sa likod.


Kabado akong tumatakbo sa hindi malaman na dahilan.

Pagkarating namin do'n sa bakanteng lote na matataas ang talahib, kumpulan ng mga estudyante ang nadatnan namin. Pilit kaming sumiksik ni Samara at agad kaming napatakip ng ilong nang makita ang isang bangkay ng lalaki na nakadapa at naliligo sa sariling dugo.

Gusot gusot ang kanyang uniporme at mababakas ang mga natuyong dugo dito. Medyo masangsang na rin ang amoy nito na dinadapuan ng mga langaw.



"Paking sheyt. Sino 'yan?!" bulong ni Samara.


Maya maya pa'y dumating ang mga pulis at agad binakuran ang bangkay. Kinuhanan nila ito ng mga litrato bago ilagay sa stretcher at pare pareho kaming nagulat nang makita kung sino ang lalaki.



"Stefan?" bulong ko.

Narinig ko ang iyakan ng ilang kaklase niya habang kinukuhanan sila ng salaysay tungkol sa biktima.

Lumapit ako sa bangkay ni Stefan at bago nila nilagyan ng puting tela ay napansin ko ang dalawang parang tuldok sa leeg niya. Napahawak ako sa bibig ng marealize kung ano ito.


Kagat ng bampira.


"Grabe. Bakit kaya nila ginawa 'yon kay Stefan? Dito pa talaga sa loob ng school. Hayop! Hayop talaga ang may gawa noon sa kanya!" si Samara habang nasa classroom kami.

Hindi na kami nakakain mula nang makita namin ang bangkay. Narinig namin na may saksak ito sa iba't ibang bahagi ng katawan at hindi lang iisang tao ang may gawa no'n. Pero iba ang naiisip ko. Posible kasing palabas lang 'yon upang pagtakpan ang totoong may gawa no'n. Hindi isang mortal ang may gawa no'n kundi isang bampira.

At may kutob akong kilala ko ang may gawa nito. Dahil siya lang naman ang may motibo para gawin 'yon kay Stefan.

Nang matapos ang klase ay dumiretso na ako sa sports gym para sa Taek won do session namin. Ako na mismo ang pumili kay Kalem bilang sparring partner.

Matalim ang titig ko sa kanya habang naghahanda. Nang magsimula na kami pinaulanan ko agad siya ng mga suntok at sipa pero lahat ay naiiwasan niya.


The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon