Kabanata 20-Princess

39 2 0
                                        

Nyx' POV

Pagkatapos ng madugong laplapan ay naging awkward para sa akin ang paligid pero para kay Kalem ay wala lang ito at normal lang ang kanyang kilos.




Shit naman kasi, Nyx! Bakit mo ginawa 'yon!



Baka iniisip na ng mokong na 'to may feelings na ako sa kanya!

Bobo kasi! Bobo!



Halos sabunutan ko ang sarili sa mga pinaggagawa ko.

Nandito ako ngayon sa banyo at naliligo dahil sa lansa ng dugo na dumikit sa katawan at damit ko. Halos hindi na kasi ako makaalis kanina sa kinatatayuan ko dahil sa nangyari. Bwiset naman kasing Kalem 'yon! Imbes na yung usa ang nilapa niya ay bibig ko ang pinagtripan niya.

Tinapos ko ang paliligo at ibinalot ang sarili sa puting tuwalya. Lumabas ako ng banyo at nakita kong wala si Kalem pero may isang itim na dress at underwears ang nakalagay sa kama.

Saan niya nakuha ito? Bumili siya? O may sarili silang mall dito?

Pinagmasdan ko ito at nakitang may tag price pa ang mga 'to. Maganda ang dress na lagpas lang sa tuhod ang haba at ang manggas ay hanggang siko lang.

Alam niya ang size ko?





Langya!


Nagsusuklay ako ng buhok nang pumasok siya. Nakaitim lang siyang Tshirt at pantalon. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ibalik ang tingin sa mga mata ko.

"You look good. Nagmukha kang babae," aniya at ni-lock ang pinto.

Aba!

"Tch. At ano'ng gusto mong palabasin na mukha akong lalaki?" iritang sabi ko.

Tumawa naman siya at lumapit.

"Hindi sa akin nanggaling 'yan," nangingiti niyang sabi.

Lumapit pa siya sa akin kaya napaatras ako at napaupo sa kama. Inilapit niya ang mukha sa akin kaya bahagya akong napahiga dahil sa pag atras ng ulo ko.

"But you're the most beautiful for me, kahit ano pang isuot mo," aniya at inabot ang isang unan bago tumayo at lumapit sa couch.




Napanganga ako.

Inilagay niya ang unan doon at nahiga.

Malawak naman ang kama niya bakit pa siya doon matutulog?! Hindi naman sa gusto kong magtabi kami kaso mahirap matulog sa couch. At sa tangkad niya naging maliit ang couch sa kanya!

"Uh...p'wede ka naman ditong matulog. Malawak naman dito," medyo awkward kong sabi.

"It's okay," aniya habang nakapikit.

Ginawa niyang unan ang kanyang mga braso parang komportableng komportanle siya sa kanyang posisyon.

"Ayos lang kung dito ka. Alam ko namang wala kang gagawing kabalbalan sa akin," sabi ko habang inaayos ang unan.

"Wala nga. Pero baka ikaw meron." Humalakhak siya.

Hindi ko na napigilan at binato ko siya ng unan.




"Kingina mo."


Mas tumawa pa siya at kinuha ang unan na tumama sa mukha niya. Kung may armas lang ako baka 'yon pa ang naibato ko sa kanya. Pasalamat siya iniwan ko ang golden dagger ko.

Ang sarap niyang saksakin sa puso!

Bumangon siya at ibinalik ang unan sa akin habang nakangisi. Pahablot ko namang kinuha ito at tinignan siya nang masama.


The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon