Kabanata 10 - Warning

40 4 0
                                        

Nyx' POV

Maaga akong nagising kinabukasan kahit wala akong masyadong tulog. Paano ba naman kasi tumutunog nang mag isa 'yang cellphone na 'yan. And speaking of cellphone kanina pa ako ikot ng ikot dito sa kwarto ko dahil hindi ko 'yon makita.

Nahalughog ko na ata lahat ng gamit ko pero wala. Nakapatong lang naman 'yon dito sa side table ko e. Sino naman kaya ang kumuha?




Baka naman mag isa ring nawala?






Potaena.





Bumaba ako at nadatnan kong kumakain ng breakfast sina dad,  Amanda at Henriette.


"Ama—este Tita Amanda, may nakita ka bang cellphone sa kwarto ko?" tanong ko nang makaupo.



Taka naman siyang tumingin sa akin bago umiling.




"Hindi pa ako nagpunta sa kwarto mo. Bakit? Nawawala ang cellphone mo?"


Napatigil naman sa pagkain si dad.



"Opo e. Nakapatong lang kasi side table."




"Baka naman nakalimutan mo lang kung saan mo huling nilagay," ani dad.



"Hahanapin ko na lang ulit." Nagpilit ako ng ngiti.




Ayoko nang magsalita pa baka mamaya kampihan pa niya ang babaeng ito. Ayokong magbintang pero ngayon lang talaga ako nawalan ng gamit. Hindi naman si Henriette o dad ang gagawa no'n. Malakas ang kutob kong siya ang kumuha. Siya lang naman ang pumapasok sa kwarto ko nang hindi nagpapaalam.


Matapos ang breakfast dumiretso na ako sa school. At hanggang magsimula ang klase 'yon pa rin ang iniisip ko. Biglang nawala?


Weird.



Nag aayos na ako ng gamit nang huminto si Beitris sa harap ko. Napatingin ako sa kanya nang makitang seryoso ang mukha niya.

"P'wede ba kitang makausap?"


Natigilan ako sandali at bago nagpatuloy sa pagliligpit.


Pinauna ko na si Samara sa susunod na klase dahil nagdahilan akong natatae.


"Tungkol saan?" tanong ko habang sinisikop ang buhok kong nililipad ng hangin.


Nandito kami ngayon sa rooftop. May iniabot siya sa aking mga litrato ng mga lalaking walang malay. Tatlo sila. Duguan ang mga ito at nakahandusay sa lupa.

"Sino'ng mga 'to?" kunot noong tanong ko habang nakatitig sa litrato.

"Sila ang pumatay kay Stefan. Namumukhaan mo ba sila?"


Napatingin ako sa kanya sandali bago ibalik ang tingin sa litrato.


"Hindi ko sila kilala." Umiling ako.



Kung sila ang pumatay kay Stefan, ibig sabihin mali ako ng taong inakusahan!


"A-Ano'ng motibo nila?" tanong ko.


"Hindi sila umamin. Alagad ng dilim ang mga 'yan. Mukhang dumarami na sila," aniya sa isang seryosong tinig.


"Kailangan mong mag doble ingat, Nyx. Tingin ko may nais ipahiwatig ang kung sino man ang nasa likod nito."


Kinabahan ako.


Nang matapos ang pang umagang klase ay dumiretso na kami ng cafeteria. Usap usapan pa rin ang pagkamatay ni Stefan. Dinig ko ring ipinacremate ang bangkay nito at wala pang lead ang mga pulis sa suspek o mga suspek.


The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon