Nyx' POV
Para akong nabingi sa sinabing iyon ni Voltemir. Napaatras ako nang nakaawang ang bibig at nabitawan ang hawak na espada.
I was stunned for about two minutes hanggang sa maramdaman ko ang paghila sa braso ko.
"Ako ang kalabanin mo, Voltemir!"
Nakikipagpalitan na ngayon ng pag atake si Voltemir kay Haring Isaurus sa harap ko.
"Nyx, ayos ka lang?" tanong ni Kalem nang makalapit.
Wala sa sarili akong tumango. Hindi makapaniwala sa sinabi ng lalaking 'yon.
Ama?
Tss...hindi lang pala demonyo ang lalaking 'to. Mahilig din gumawa ng kwento.
Inilibot ko ang paningin at halos ubos na ang mga bampira sa paligid. May iilan na lang na kinakalaban si Amicus at Orpheus habang si Hecate naman ay nakikipagespadahan doon sa babaeng itim ang lipstick.
Mabilis naming pinalibutan si Voltemir at tatlo na kaming umaatake sa kanya ngayon.
"Akala ba ninyo ay magagapi ninyo ako kapag pinagtulungan?" Tumawa nang malakas ang demonyo habang sinasalag ang mga pag atake namin.
Hinihingal akong tumigil sa pag atake at maya maya pa'y may bumulusok na espada sa gawi ni Voltemir pero mabilis niyang inangat ang isang kamay kaya nagpalutang lutang sa ere ang espada bago bumagsak sa lupa.
"Mga hangal!" Tumawa nang tumawa ang demonyo.
Tumalon siya paatras at ipinatong ang dalawang kamay sa hawakan ng espadang pinatayo sa harap niya.
"Bakit hindi muna tayo magkwentuhan?Masyado naman yata kayong nagmamadaling mamatay?" Ngumisi siya.
Hahakbang na sana ako at handang umatake nang magsalita ulit siya.
"Bakit hindi natin pag usapan ang nakaraan? Ang tungkol kay Hellen." Bumaling siya sa akin.
Si Mommy?
Matagal nang gumugulo ito sa isipan ko. Ano'ng kinalaman ni mommy rito?Gustong gusto kong magtanong ngunit parang hindi ako handa sa malalaman ko.
"Tutal ay parang naulit na naman ang nakaraan. Isang mortal ang naligaw dito sa mundo natin dahil sa pag ibig." Ngumisi ulit ito.
Ano'ng ibig niyang sabihin? Ang mortal na ba 'yon ay si mommy? At...dahil sa pag ibig?
"Tama na 'yan, Voltemir. Huwag mo nang ungkatin pa ang nakaraan. Matagal na 'yong natapos!" malamig na sabi ng hari.
"Bakit hindi, Isaurus? Bakit? Natatakot ka bang malaman ng binibini ang totoong ginawa mo sa kanyang ina?"
Napabaling ako sa hari.
Ginawa niya sa aking ina? Ano'ng ginawa niya?
"Ano'ng ibig mong sabihing ginawa niya sa aking ina?" kunot noong tanong ko kay Voltemir.
Ngumisi naman siya sa akin nang nakakaloko.
"Hindi mo ba alam na...pinaslang ni Isaurus ang iyong ina na si Hellen?"
Bahagya akong napaatras at nabitawan ang hawak na espada .Gulat na gulat na ang hitsura ko ngayon. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang bibig.
Pinaslang....niya si mommy?
Naalala ko na natagpuan ang walang buhay niyang katawan noon sa isang gubat na malayo sa lugar namin. At 'yong gabi gabi kong napapanaginipan. Isang babaeng tumatakbo at hinahabol ng isang lalaki na hindi ko mamukhaan.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasíaEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
