Kabanata 28-War

26 2 0
                                        

Nyx' POV

Nanatili sa isipan ko ang sinabing iyon ni Hecate. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi at kung totoo ba ang mga iyon. Hindi ko na alam.

Masyadong mahirap ang hinihingi niya sa akin. Magtiwala? Tss. Para ano? Para maulit na naman ang nangyari? Sa totoo lang ayos lang sa akin kung magkita kami ulit ng demonyong Voltemir na 'yon pero 'yong magtiwala ka ng paulit ulit at paulit ulit ka ring tatraydurin ay ibang usapan na.

Pero paano nga kung totoo 'yong sinabi niya?

Paano kung may plano talaga silang lumusob? Masiyadong mahina ang depensa ng palasyo ngayon dahil wala si Prinsipe Orpheus at ang kanyang hukbo. At kung hindi ko ito sasabibin, malalagay sa panganib ang buong palasyo.

Psh. Kasalanan ko pa kapag nagkataon. Bakit ba kasi ako tinubuan ng konsensya?

Umalis ako ng palasyo upang puntahan ang bahay ni Hecate. Mahirap lumunok ng pride lalo na kung bareta pero mas mahirap maguilty lalo na at kapakanan ng sambayanan ang nakataya.

"Kamahalan! Kamahalan!"

Napahinto ako sa paglabas sa tarangkahan nang tawagin ako ni Kasdeya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Saan po kayo pupunta? Ibinilin po ng prinsipe na huwag kayong palabasin ng palasyo!" nag aalalang sambit nito.

Tss.. Hayan na naman ang pagiging over protective ng lolo niyo. Akala mo naman tatay ko siya.

Ngumiti ako nang matamis.

"Huwag kang mag aalala, Kasdeya mamamasyal lang ako. Pakisabi na lang kay Kalem na nasa bahay ako ni Hecate. Okay?" nag Ok sign ako.

"Sasamahan ko na po kayo, Kamahalan. Baka kasi magalit ang prinsipe."

"No thanks. Kapag nagalit siya kingina niya kamo," sabi ko at tumalikod na.

Narinig ko pa ang pagtawag niya ngunit mabilis na akong nakalayo.

Kumatok ako ng tatlong beses sa kahoy na pintuan nang marating ko amg bahay. Ilang sandali pa'y bumukas na ito at tumambad ang gulat na hitsura ni Hecate.

"Nyx..."

"Hindi mo ba ako papasukin?" masungit na sabi ko.

Natataranta naman niyang niluwagan ang pintuan kaya agad akong nagmartsa sa loob. Napatayo ang mga nasa sala nang makita ako. Isa isa kong pinasadahan ng tingin sina Caius, Adrasteia at Amicus at walang pasubaling naupo sa pang isahang kahoy na upuan.

"Bakit ganyan ang mga hitsura ninyo? Para kayong nakakita ng multo?" tamad na sabi ko at humilig sa upuan.

Tumikhim si Hecate at naupo na rin. Wala sa sarili naman silang nagsiupuan na rin.

"Pumunta ka," Si Amicus.


"Hindi ako 'to. Anino ko lang 'to."

"Huh?" nagtataka ang hitsura niya.

Tss..

"Sinasabi ko na nga ba, binibini...hindi mo kami matiis." Ngumisi si Caius.

"Hindi ako nagpunta rito upang makipagkamustahan. Sabihin niyo kung ano'ng meron sa paglusob," seryoso na ang boses ko.

Sumeryoso naman ang mukha nilang lahat.

"Nasabi mo na ba kay Prinsipe Nikolaus?" tanong ni Hecate.

Umiling ako. "Wala siya sa palasyo."

"Kailangan mo na itong masabi agad, Nyx. Hindi natin alam kung kailan sila lulusob. Baka samantalahin nila ang ang pagkawala ni Prinsipe Orpheus," dagdag niya.

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon