Kabanata 15 - Potion

30 4 0
                                        

Nyx' POV

Alas dyes na ng gabi nang nagcheck out kami ni Beitris sa Inn at nagtungo sa paradahan ng jeep.

Pinahiram ako ni Beitris ng itim na long jacket na pinang ibabaw ko sa aking itim na T-shirt at ripped jeans na itim din. Sinabi niyang hindi raw nagsusuot ang mga bampira sa mundo nila ng ibang kulay maliban sa itim.

Matapos ang higit isang oras na nakakahilong byahe ay sumakay kami agad ng tricycle. Mabuti na lang at nakahabol pa kami sa huling byahe kung hindi ay mapipilitan kaming maglakad.

Pagkarating namin sa maliit na barrio ay kahol na lang ng mga aso ang maririnig. Madilim na rin ang loob ng mga bahay at kita ko pa ang mga gaserang nakasindi sa iilang bukas na bintana.

Ramdam ko ang malamig na panggabing hangin kahit na nakajacket ako. Sa isang kamay ay dala ko ang mga iilang damit at mga gamit ko. Balak kong iwan kay nana ang mga gamit ko at nagsulat na rin ako ng liham ng pamamaalam kung sakali mang hindi na ako makabalik pa.

Nangingilid ang mga luha ko habang iniisip ang mga taong maiiwan ko. Si dad, Henriette at si Samara.

Gagawin ko ang lahat upang iligtas ang kapatid ko kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Malugod kong tatanggapin ang kamatayan basta hindi lang mawala sa akin ang pamilyang aking iniingatan.

"Nandito na tayo. Ayos ka lang ba, Nyx?"

Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko at tumango.

Pinapasok kami ni Nana Hortensia sa kubo at nakita ko sa sala ang mga iba't ibang uri ng dahon at mga maliliit na kahoy. May mga lupa ring nakalagay sa platito at sariwang dugo ng hayop.

Napalunok ako.

Inilapag ko ang bag na dala sa  isang upuan bago lumapit sa lamesita.

"Doon tayo sa kusina," aniya at naunang naglakad.


Sumunod kami ni Beitris at nakita namin may isang maliit na palayok na kulay brown ang nakasalang sa apoy.

"Malapit ko nang matapos ito," aniya at hinalo halo ito.

Napabuga ako ng hangin.


Naramdaman ko ang paghawak ni Beitris sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Tumango sya sa akin kaya napatango rin ako.

Nang matapos ang niluluto niyang kung ano ay isinalin niya ito sa maliit na basong gawa sa kawayan. Lumabas kami sa kubo sa bandang likod upang hindi makita ng kahit sino ang gagawin namin. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa gitna ng isang bakanteng lote na napapapaligiran ng malalawak na palayan. Madilim ang lugar at tanging liwanag lang ng bilog na buwan ang makikita.

Pinatayo ako ni Nana Hortensia sa gitna at kinuha ang isang maliit na aklat. Kabado ako at hindi ko maiwasan ang panginginig ng mga kamay.

Huminga ako nang malalim at tumitig sa matanda. Nagsimula naman itong magbasa ng orasyon gamit ang salitang Latin. Nanlilisik pa ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

Palakas ng palakas ang boses niya hanggang pumikit ito at itanaas ang hawak na kawayang baso. Napansin ko ang pagdilim ng liwanang ng buwan kaya napatingin ako rito at nagulat nang makitang nagiging pula ang kulay nito.

Maya maya pa'y tumigil na ito at dumilat. Lumapit siya ng dahan dahan sa akin at iniabot ang baso.

"Inumin mo na," utos niya.


Kinuha ko ito gamit ang nanginginig na kamay at napalunok.Tinitigan ko muna ito saglit bago nilaklak ang laman ng baso.

Halos masuka ako sa hindi maintindihang lasa nito. Pinunasan ko ang bibig at ibinalik sa kanya ang baso.

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon