Nyx' POV
"Oi. Ano'ng nakakatawa? Kanina ka pa tumatawa d'yan mag isa ah?" sabi ni Samara sa harap ko.
Narito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch.
Tumawa ulit ako. Naalala ko kasi 'yong sinabi ni Kalem kahapon.
"That I am a vampire."
Hahaha putek. Sino'ng 'di matatawa do'n? Vampire daw amputa. Bwiset. Tinawanan ko lang siya nang tinawanan hanggang makauwi ako at hanggang ngayon natatawa pa rin ako.
"Tsk tsk tsk. Wala ka nang pag asa." Umiling iling si Samara at nagpatuloy sa pagkain.
Tumingin ako kay Samara at pinigilang matawa. Sigurado akong mas malala pa sa akin ang reaksyon niya. Masubukan nga.
"Sam, ano'ng gagawin mo kapag nakakita ng bampira o 'di kaya'y may umamin sa 'yo na bampira siya?" tanong ko at ipinatong ang dalawang siko sa table at pinagsalikop ang mga daliri.
Ngumuya nguya muna siya bago nagsalita.
"E 'di good news. Magiging sikat na 'ko."
Kumunot ang noo ko.
"Sikat? Paano ka naman sisikat?"
Sumubo muna siya bago nagsalita ulit.
"E 'di ba nga pangarap kong maging journalist? Malaking scoop 'yon kapag nagkataon. Hindi lang dito kundi worldwide. Magiging trending ang pangalan ko. Magiging laman ako ng headlines sa dyaryo at usap usapan sa social media. Kaliwa't kanan rin ang interview sa akin sa mga news magazine at television. Tapos ifi-feature rin ako sa forbes magazine at sa show ni Ellen Degeneres at KMJS."
Kingina.
"Ibig mong sabihin maniniwala ka sinabi niya?"
Taka naman siyang tumingin sa akin.
"Bakit naman ako hindi maniniwala e nagtapat na nga 'yong tao at nakita pa ng dalawang mga mata ko," aniya at tinusok 'yong karneng ulam.
Bumuntong hininga ako.
"E paano kung joke joke niya lang 'yon? O kaya gusto ka lang pagtripan?"
Umiling iling naman siya na parang dismayado.
"Hay nako, Nyx. Marami ka pang hindi alam sa mundo. Alam mo nakikita kasi 'yan sa mga mata. 'Yong sincerity, okay?Kapag seryoso siya at sincere sa sinabi niya malamang totoo 'yon."
"Tch. Kalokohan," sabi ko at nagpatuloy sa pagakain.
"Saka totoo daw ang mga vampires. May nabasa akong article tungkol sa mga bampira. At totoong nag e-exist sila. Nagkalat daw sila sa mundo at nagpapanggap bilang mga mortal. Ang sabi pa wala daw silang mga anino at nasusunog sila sa sikat ng araw. Puting puti rin ang mga balat nila at may mapupulang mga mata."
Nabitawan ko ang kutsara sa mga huling sinabi niya.
Tumigil naman si Samara at takang tumingin sa akin bago nagpatuloy sa pagkukwento.
"Higit na mas malakas at mas mabilis din sila kumpara sa ating mga mortal. Nakakatalon pa daw ang mga ito ng matataas at tumatagos sa mga pader. Ayon pa sa nabasa ko-"
"Okay na. Ayoko nang marinig 'yan," sabi ko at tumayo na.
Imposible.
Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Samara habang nagkaklase kami. Tumingin ako sa katabi kong maligno at inisip ang mga napansin kong kakaiba sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasyEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
