Kabanata 31-Unleashed

25 2 0
                                        

Hecate's POV

Hindi ako makapaniwala. Sa isang iglap nawala na ang mga kaibigan ko. Ang mga kaibigang itinuring ko nang pamilya. Hindi ko akalaing masasaksihan ko mismo ang pagkawala nila sa harapan ko.

Pumatak ang luha ko at nanginginig ang labi ko. Gusto kong humagulhol. Gusto kong umiyak. Gusto kong magluksa pero alam kong hindi dapat dahil nasa digmaan ako. Hindi ako p'wedeng maging mahina ngayon. Hindi ako p'wedeng magpakita ng kaduwagan. Hindi p'wede.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Nyx mula sa pagkakabaon namin sa pader. Maging ako ay nagulat sa ginawang 'yon ni Prosperine. Hindi ko akalaing may ganoon siyang kapangyarihan. Kaya kahit immortal ako ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko. Kaya nagulat ako sa biglaan niyang pagtayo. Mortal siya at alam kong hindi biro ang hirap na pinagdadaanan ng katawan niya ngayon pero sa kabila nito ay parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Umaagos ang pulang dugo niya sa ulo,vsa likod at sa mga braso. Halos lahat ng parte ng katawan niya ay may galos na.

Kumuyom ang mga kamao nito habang mahigpit ang hawak sa gintong punyal. Itinaas ko ang paningin sa kanyang mga mata at nakita kong pumula ito nang husto. Hindi ito ganito kapula dati. Para na itong nagliliyab ngayon. Hindi ko maintindihan ngunit iba ang pakiramdam ko rito. Parang may nagbabadyang panganib.

Walang makikitang anumang emosyon sa mukha niya at blangko lang siyang nakatingin kay Voltemir. May bakas pa rin ng natuyong luha ang pisngi niya at iilang mantsa ng berdeng dugo.

Dahan dahan niyang pinulot ang espada sa harap niya at saka nagsimulang humakbang. Wala nang ibang maririnig na ingay ngayon kung hindi ang espadang kinakaladkad niya sa lupa. Dahan dahan at mabibigat ang kanyang paghakbang. Lahat ng mga mata rito ay nakatutok sa kanya. Binalingan ko si Voltemir at nakitang seryoso ngayon ang hitsura niya. Walang mababakas na ngisi sa kanyang labi na madalas niyang ginagawa.

Maging si Prinsipe Nikolaus, Prinsipe Orpheus, Haring Isaurus at ibang pang Silver blood ay seryosong nakatutok rito.

Huminto ito 'di kalayuan sa tapat ni Voltemir nakatalikod na sa akin. Unti unti namang sumilay ang ngisi ni Voltemir.


"Gusto mo na rin bang sumunod, binibini? Gusto sana kitang itira pero mukhang hindi ka na makapaghintay sa iyong kamatayan." Pekeng lumungkot ang hitsura nito.

Hindi sumagot si Nyx.

Katahimikan ang namayani sa buong palasyo.

"Kung ganoon, wala na akong ibang pagpipilian kundi pagbigyan ang iyong kahilingan."

Itinaas niya ang kanyang kamay at pumitik sa ere. Napabaling kami sa tarangkahan nang makita ang marami pang berdeng bampira! Katulad din nito ang dami ng dala niya kanina. Kinabahan ako. Kakaunti na lang ang mga Silver blood dito. Ang iba ay mga tagapagsanay at estudyante sa akademya. Paanong nagkaroon siya ng ganito kadaming alagad?!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagmasdan kung paano sila humilera sa likod ni Voltemir. Ngumisi si Voltemir at iginala ang paningin.

"Mukhang magiging masaya ito." Ngumisi siya at pumitik ulit sa ere.

Naging hudyat naman iyon upang sugurin ng mga berde si Nyx ngunit nagulat ako sa mabilis na kilos ni Nyx. Walang pang limang segundo tatlo na agad ang naglaho. Halos hindi na kumurap ang mga mata ko dahil hindi ko nasusundan ang mga galaw niya. Para siyang kidlat sa bilis. Sunod sunod ang mga naging daing ng mga kalaban sa sunod sunod nitong pag atake at halos umatras na ang iba sa kanila.


Hindi ako makapaniwala. Parang ibang Nyx ngayon ang lumalaban! Mas mabangis at mas mapanganib. Ngayon ay parang gusto ko nang maniwala sa sinabi ni Voltemir na anak niya ito. Pero paano?

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon