Nyx' POV
"Handa ka na?" tanong ni Beitris.
"Oo."
"Isa...dalawa...tatlo!"
Mabilis kaming tumakbo ni Beitris na magkahawak kamay.
"Talon!" sigaw niya.
Kaya sabay kaming tumalon pataas at napasigaw ako nang bigla kaming nalalaglag pababa na una ang ulo sa isang madilim na kawalan.
Madilim at tanging pagtili ko lang ang naririnig hanggang sa unti unting lumiwanag ang paligid. Nakita kong babagsak kami sa kabundukan kaya naman pumikit ako nang mariin.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Beitris sa akin ng dumausdos kami pababa sa mga sanga ng puno hanggang bumagsak sa lupa at nagpagulong gulong.
Pucha! Ang sakit!
Napakalas si Beitris sa akin dahil sa mabilis na paggulong namin. Napatihaya naman ako sa lupa pagkatapos ng paggulong bago bumaluktot dahil sa tuhod kong tumama sa matigas na lupa.
Tangina! Bwiset!
"Aaarrgghhh!" daing ko.
"Ayos ka lang, Nyx?"
Napatingin ako kay Beitris na naglahad ng kamay sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi na lilipad pala tayo! E 'di sana nagdala ako ng parachute!" reklamo ko bago kunin ang kamay niya.
Tumawa naman siya at umiling iling.
Hinamas himas ko ang tuhod ko nang makatayo habang iginagala ang tingin. Tangina totoo nga. Totoo pala talaga!
Napansin kong nasa isang gubat kami dahil sa mga nagtataasang puno at iba't ibang huni ng mga hayop sa paligid. Tirik na tirik din ang araw. Ibang iba sa naiimagine kong kadiliman ang bumabalot sa mundo nila.
Wala kasi itong pinagkaiba sa mundo namin kung meron man ay ang mga nilalang lang na nakatira rito.
Pinagpag ko ang damit kong narumihan at inalis ang mga tuyong dahon sa buhok ko.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko.
"May mga kaibigan ako rito na makakatulong sa atin. Pero huwag na huwag mong babanggitin ang tungkol sa pagkatao mo. Kahit pa kaibigan ko sila ay hindi pa rin tayo dapat maging kampante. Isa kang mortal at pag iinteresan ka nila kapag nalaman nila 'yon. Kaya hangga't maaari tayo lang dapat ang makaalam."
Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad.
Matapos ang walang katapusang paglalakad ay nakarating na kami sa isang bayan. Para akong bumalik sa nakaraan dahil halos makaluma ang lahat ng nakikita ko.
Mula sa mga bahay na gawa sa bato, mga tindahan at kainan na gawa rin sa bato at dayami lang ang bubong. Mga kasangkapang binebenta sa mga sulok. Mga iba't ibang armas, gamit sa bahay at mga hayop na nakakulong.
Pinagmamasdan ko ang paligid habang abala ang mga tao sa kani kanilang ginagawa. Nakaitim na damit ang lahat. Ang mga lalaki ay nakasuot ng parang polo na maluluwang at hanggang siko ang manggas na pinagdudugtong ng laso sa dibdib. Maluluwang din ang itim nilang pantalon at ang sapatos ay yari sa kawayan.
Ang mga babae naman ay nakasuot ng itim at mahabang bestida na sumasayad sa lupa at may mahabang manggas na hanggang palapulsuhan.Yari din sa kawayan ang kanilang sapatos.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasiEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
