Kabanata 2 - Shadow

65 7 0
                                        

"Mawawala ako ng ilang araw. May mga business transaction ako sa ibang bansa kaya ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo, Nyx," ani Dad nang nag aagahan kami.

Uminom muna ako ng tubig bago tumingin sa kanya.

"Huwag mong pababayaan ang kapatid mo," dagdag niya bago tinapos ang pagkain.

"Mr. Arciaga, naihanda ko na po ang sasakyan," sabi noong dumating na bodyguard niya.


"Daddy, when are you coming back?" malungkot na sabi ni Henriette.

Nagpilit ng ngiti si Dad at tinapik nang marahan ang ulo niya.

"As soon as possible, baby. You behave okay?"

Tumango ang kapatid ko. Tumayo na si Dad at inayos ang coat.

"I'll go ahead." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko at ganoon din sa kapatid ko.


Tinignan ko ang papaalis na likod ni Dad bago tumingin sa kapatid ko. Malungkot siyang nakatitig sa pintuan kaya naman tumayo na ako at nagligpit ng pinagkainan.


"Let's go na, Henriette. Mahuhuli na tayo sa klase."

Tumayo na din siya at isinabit ang bag sa likod.

Hinatid muna namin ni Mang Rodolfo—ang driver namin si Henriette sa eskwelahan niya bago ako hinatid sa University. Malapit lang naman ang school ko, p'wede siyang lakarin pero dahil male-late na 'ko nagpahatid na lang din ako.

Katamaran.


Lumabas ako ng sasakyan at nakita kong nagkukumpulan ang mga estudyante ngayon sa isang malaking bulletin board na malapit sa gate.

Ano'ng meron?


At dahil na curious ako lumapit ako dito at nakipagsiksikan.

"Ecxuse me! Excuse me! Dadaan ang maganda."

Bumaling sa akin ang iilang estudyante at nakita ko naman ang pag ismid ng iba.

Nakita kong nakapaskil na ang listahan ng clubs na pwedeng salihan. Binasa ng mga mata ko ang mahabang listahan.

Art club
Drama club
Film club
Science club
Literature
History
Language
Hobby
Music
Sports & recreation

Natigil ang mga mata ko sa huli. Napangiti ako ng malawak. Umalis ako sa kumpulan at pumunta na sa unang klase.

Nadatnan ko si Samara na nakapalumbaba at tulala sa kanyang upuan. Huminto ako sa harap niya at iwinagayway ang isang kamay sa mukha niya.

"Anyare sa 'yo?"

Bumuntong hininga siya.

"Hindi ko alam kung ano'ng  club ang sasalihan ko. Drama club o music club?"

Umupo muna ako sa tabi niyang upuan dahil wala pa namang prof.

"P'wede mo namang salihan pareho."

"Hindi p'wede. Hindi kaya ng sked ko." Umiling siya.

"Kailan ka pa naging CEO?"

Matalim ang tingin na iginawad niya sa 'kin.

Nagkibit balikat naman ako at bumalik sa upuan. Usap usapan ngayon ng mga kaklase ko ang club na sasalihan.

"Ah...mamayang 4pm daw ang registration," anunsyo ng kararating lang na kaklase naming nerd at mukhang weirdo na hindi ko na natandaan ang pangalan.

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon