Kabanata 11 - Prey

41 3 0
                                        

Nyx' POV



Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda sa eskwela. Mag aalas sais pa lang nang gumising ako upang ihanda ang mga gamit ko. Kinuha ko ang pocket knife at itinago sa binti ko na natatakpan ng pantalon. Kumuha rin ako ng extra T-shirt para sa training.

Oo. Traning namin ni Kalem. Bago ako umuwi kagabi nagsuggest si Beitris na sanayin ako ni Kalem upang hindi na maulit 'yong nangyari. Pumayag na rin ako dahil alam kong hindi sapat ang alam ko sa martial arts pagdating sa mga bampira.


"Aalis ka na?" tanong ni Amanda mula sa kusina.



Nakikita na nga tinatanong pa.




Tsk!





Tumango ako at dumiretso sa pintuan.



Dahil maaga pa naman dumiretso muna ako sa condo ni Kalem dahil doon daw kami magsasanay sa gym niya!



Rich kid. May sariling gym.



Ingay na nagmumula sa telebisyon ang bumungad sa akin ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nakatopless siya at shorts na itim kaya naman napanganga talaga ako dahil sa magandang pagkakahulma ng katawan niya.



Naputol lang ito ng tumalikod siya at nagtungo ng sala. Isinara ko ang pinto at sumunod sa kanya. Pinatay niya ang TV at nagsuot ng puting T-shirt bago humarap sa akin.



Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko. Nilagay niya ito sa sofa bago nagsalita.



"Dito tayo," aniya at naunang naglakad.


Pumasok siya sa pinto kung saan nakita kong lumabas si Beitris kahapon.


Sumunod ako at namangha ako sa nakita. Malawak ang loob at organisado. Sa dingding makikita ang iba't ibang katana habang may isang mahabang mesa naman na malapit sa pinto. Punong puno ito ng iba't ibang armas. Karamihan ay mga patalim. May nakita rin akong mga baril at spears.



"Sayo lahat 'to?" manghang tanong ko at pinasadahan ng mga daliri ang mga armas.



"Oo. Pumili ka na ng armas mo."


Gulat akong napatingin sa kanya.


"Magtetraining lang naman tayo, hindi tayo magpapatayan."



Umiling naman siya.



"Walang mangyayari sa training kung wala kang armas. Mas mabuting masanay ka ng may armas." Seryoso ang mukha niya.


Sandali pa akong tumitig sa kanya bago tumingin sa mesa. Kumuha ako ng isang maliit na punyal.




"Sigurado ka ba? 'Wag mo 'kong sisisihin kapag napatay kita."




"Try me." Ngumisi siya.



Mabilis kong itinapon sa kanya ang patalim pero mabilis niya ding naiwasan kaya bumaon ito sa dingding.




"Tsk tsk tsk...too slow," aniya at sumilay na naman ang mapang asar na ngisi niya.




"Yabang," bulong ko.



Kumuha ako ng mas matalim pang patalim at humakbang palapit sa kanya. Umatras naman siya nang umatras  hanggang makarating kami sa pinakgitna ng gym.

Itinutok ko sa kanya ang patalim na hawak at masamang tumitig dito.




"Humanda kang bampira ka," sabi ko at sumugod.


The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon