Kabanata 14 - Golden dagger

36 3 0
                                        

Nyx' POV

Pinapasok kami ng matanda sa kanyang lumang kubo. Halos luma lahat ng kasangkapan na makikita rito. Mula sa mga upuan at lamesita sa kanyang munting tanggapan hanggang sa mga antigong plorera na iba-iba ang laki.

May mga lumang paintings din sa kanyang dingding at mga iba't ibang halamang gamot na nakalagay sa garapon. Mayroon din akong nakitang maliliit na garapon na may mga label at nakalagay sa isang luma at inaanay nang cabinet.

Pinaupo kami ng matanda na hindi ko natandaan ang pangalan sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan. Umupo naman siya sa isa sa dalawang upuang kawayan na nasa tapat namin at pinagsalikop ang mga daliri sa ibabaw ng kanyang tungkod.

"Ano'ng kailangan ninyo?" tanong nito sa isang seryosong tinig.


"Siya si Nyx, nana, kaibigan ko. At kailangan namin ang tulong mo."

"Ano'ng klaseng tulong ang kailangan ng kaibigan mo?" Bumaling ang matanda sa akin.

Sa totoo lang nakakatakot ang aura niya. Parang sa isang iglap ay kaya ka niyang itumba kahit nasa malayo ka.

"Kailangan niyang pumunta sa mundo ng mga bampira. P'wede mo ba siyang tulungan?" Tumingin si Beitris sa akin.

Hindi naman umimik ang matanda at tumitig lang sa akin.

"Gusto na bang niyang mamatay?" sarkastikong sabi nito.



"P'wede rin ho," sagot ko.


"Hindi mo alam ang pinapasok mo, ineng. Kung inaakala mong ganoon lang iyon kadali ay nagkakamali ka," seryoso ang kanyang tinig.

"Handa po akong mamatay mailigtas ko lang ang kapatid ko," mas seryoso ang tinig ko.


Dahil papatayin ako ni dad kapag hindi ko siya nailigtas!



Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa mga mata ko.

"Kahanga hanga ang katapangan mo," aniya at tumayo.

Pumasok siya sa isang silid na kurtina lang ang nagsisilbing pinto.

Nang makalabas ay mayroon siyang inilabas na isang maliit na baul na pahaba. Gawa sa ito sa kahoy at mukhang luma na.

Binuksan niya ang baul at iniharap ito sa amin.

Nagulat ako nang makita ang laman nito. Isang dagger na kulay ginto. May maliliit at detalyadong disenyo ito sa hawakan at sa unang tingin pa lang dito ay matalim na.

"Pamana pa ng mga ninuno ko ang punyal na ito. Ito ang tutulong sa iyo upang mapahaba ang buhay mo doon."


Naguluhan naman ako sa sinabi niya.



"Hindi ba immortal ang mga bampira?" takang tanong ko.

Tumingin naman siya kay Beitris na parang nagtataka sa sinabi ko kaya napatingin din ako sa kanya.

"Oo, immortal kami pero maaaring magwakas ang buhay namin kapag nasaksak kami diretso sa puso."



Ah...ganoon pala 'yon.


Kung nalaman ko lang agad e 'di sana ginawa ko na 'yin kay Kalem. Tangina niya.

"Hindi lang ito isang ordinaryong punyal. Mabilis itong makapatay ng bampira kaya malaki ang maitutulong nito sa 'yo lalo na kapag ginamit mo ito nang tama."

"Binebenta niyo po ba 'to sa akin? Pasensya na pero wala po akong pera. P'wedeng hiram lang?"


Umismid naman ang matanda at umiling iling.

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon