Kabanata 19-Forbidden Love

38 3 0
                                        

Nyx' POV



"Kalem..." mahinang bulong ko.

Sobrang lakas at bilis ng kabog ng dibdib ko ngayon at nangingilid ang mga luha ko.

Totoo ba 'to?


Si Kalem nga ba ang nasa harapan ko?


Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko isang taon na ang lumipas. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Oo, galit ako sa kanya at isinusumpa ko siya pero mas nangingibabaw sa akin ang kasiyahan na muli siyang masilayan.

Hinawakan ko ang mukha na ikinagulat niya kaya biglang pumula ang mga mata niya. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin at biglang binuksan ang ilaw.

"Nyx?!" bulalas niya.

Nakahawak pa rin ang kamay niya sa palapulsuhan ko at ang kabila naman ay sa switch ng ilaw.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" galit niyang tanong.

Pumatak ang isang luha ko na kaagad kong pinunasan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Hindi ba dapat ako ang magalit dahil umalis siya nang hindi nagpapaalam?!

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinignan siya nang masama.



"Tangina mo."


"Ang sabi ko, ano'ng ginagawa mo dito?! Bakit ka narito? Paano ka nakapunta rito?!" sunod sunod niyang tanong habang masama rin ang tingin sa akin.

"Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan?! Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit bigla kang bumalik rito nang hindi sinasabi sa akin?!" galit na sabi ko.

Bahagyang umawang ang kanyang bibig at bumuntong hininga.

"May inaasikaso lang ako. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito.?" kalmado niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin at napalunok.

"May hinahanap lang ako."


"Sino?"

Napatingin ako sa kanya.

"Tulungan mo akong hanapin si Prinsipe Nikolaus. Gusto ko siyang makausap," seryosong saad ko.

Sandali lang siyang natigilan at matagal bago sumagot.

"Ano'ng kailangan mo sa kanya?" maya maya'y tanong niya.

"Kailangan ko ang tulong niya upang iligtas si Henriette mula kay Orpheus."

Seryoso ang mukha niya at hindi nagsalita. Hindi man lang siya nagulat o nagtaka. Naghihintay lang siya ng susunod na sasabihin ko.

"Dinakip niya ang kapatid ko!" seryoso ang tinig ko.

Pumikit naman siya nang mariin at bahagyang lumayo sa akin. Tumingala siya at lumunok habang nakakuyom ang kamao.

"Hindi mo alam ang pinapasok mo," aniya habang nakapikit pa rin.

Kumuyom ang dalawang kamao niya at parang hirap na hirap siya sa bawat salitang binibitawan niya.

"Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado itong ginagawa mo?!" Galit siyang bumaling sa akin. "Ipinapahamak mo ang sarili mo, Nyx!"

"Wala akong pakialam! Kailangan ako ng kapatid ko, Kalem!" matigas na sagot ko. "Hindi ako 'yong tipo ng tao na mananahimik na lang at magpapakaduwag! Kaya nakikiusap ako. Tulungan mo 'ko. Kailangang makausap ko ang Prinsipe. Pakiusap..." lumambot ang tinig ko sa huling sinabi.

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon