Beitris' POV
Nasaksihan ko ang unang pagpatay ni Nyx sa isang berdeng bampira. Hindi ko inaasahang magkakaroon siya ng lakas ng loob para gawin 'yon lalo na't wala siyang karanasan.
Tulala siyang nakabaling sa kamay niyang nanginginig na puno na ng berdeng dugo kaya naman hindi niya napansin ang pasugod na namang bampira sa harap niya.
"Nyx!" pagtawag ko sa atensyon niya habang may kinakalaban ako.
Nasulyapan ko syang parang nagising sa isang panaginip at matapang na hinarap ang pasugod na bampira. Pinagtutulungan na ako ngayong ng limang bampira samantalang nasa anim naman ang nakapalibot kay Nyx. Mabuti na lang talaga at sinanay namin siya ni Kalem kaya kahit papaano nakakalaban siya.
Nagulat ako ng sinakal ako gamit ang espada mula sa likod habang may papasugod sa aking harap. Nagpupumiglas ako pero masyado itong mahigpit. Hinintay kong makalapit ang isa bago ko sinipa nang malakas ang sandata niya at ginawang hagdan ang katawan upang lumipad sa ere patungong likod at saka tinuhod ang likod ng sumasakal sa akin. Nang mamilipit ito sa sakit ay saka ko siya sinasak sa dibdib. Yumuko ako nang sumalubong sa akin ang isang espada. Gumulong ako sa lupa at mabilis na tumalon ng mataas at saka ibinato ang punyal deretso sa kanyang dibdib.
Sinulyapan ko si Nyx nang makababa ako sa lupa at nakita ko itong may napatumba nang dalawa pa. Tumakbo siya sa paakyat ng burol ngunit naunahan siya ng isa kaya panay ang atras niya pabalik habang iniiwasan at sinasalag ang espadang pinapakawalan ng kalaban.
Nang makorner ulit sya ng apat ay sabay sabay na umatake ang mga ito.
"Nyx!" sigaw ko.
Tatakbo na sana ako para tulungan siya pero napaiwas ako sa paparating na espada sa gilid ko. Mga bwisit!
Nyx' POV
Hinihingal na ako at nanghihina kaya naman nang sabay sabay silang sumugod ay tumalon ako ng pagkataas taas upang makaiwas kaya sa lupa tumama ang mga espada nila. Tinignan ko si Beitris at nakita kong may tatlo pa siyang kinakalaban. Sabay sabay na nagsitakbuhan papalapit sa akin ang mga kalaban kaya tumakbo ako ng mabilis papalapit sa kakahuyan. Pabalik sa dinaanan namin kanina.
Narinig ko pa ang paulit ulit na pagtawag sa akin ni Beitris habang lumalaban.
"Ano'ng ginagawa mo?! Bumalik ka sa burol! Nyx!!" sigaw niya.
Hindi ko na sya pinakinggan at tuloy tuloy lang ang pagtakbo ko. Mabilis namang nakasunod sa akin ang mga gago. Wala na akong maisip na ibang paraan. Kung magpapatuloy ako ay makakasunod lang sila sa mundo ko kaya mas mabuting despatsahin na muna ang mga ito.
Madilim na ang kagubatan at nagsimula nang lumamig ang paligid.Nagpalipat lipat ako sa mga puno at bahagyang nagtago sa mga makakapal na sanga pero magagaling ang mga loko. Nasusundan nila ako. Mas binilisan ko pa ang pagkilos at sa isang iglap ay naitago ko ang sarili sa isang mataas na bahagi. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang tatlong mokong na palinga linga sa paligid. Habol ko ang hininga at mahigpit ang kapit sa mga sanga.
Hinawakan ko ang pisngi ko matapos maramdaman ang mainit na likidong tumulo. Titnignan ko ang palad ko at nakitang dugo ito. Bwisit na mga bampira! Dinungisan nila ang mukha ko!
Bumagsak sa palad ko ang kaunting pagpatak ng niyebe hanggang sa dumami. Tumingala ako at nakita kong umuulan na ng niyebe ngayon.Ang huling palatandaan bago lumitaw ang pulang buwan.
Shit!
Kailangan ko nang makaalis. Inilugay ko ang aking buhok upang takpan ang sugat sa pisngi ko.Bumaba ako ng isang sanga at saktong nakita kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Kinuha ko ang isang sanga at inipit rito ang golden dagger na hawak ko pagkatapos ay paatras na tumalon papunta sa kabilang sanga. Hawak ko na ngayon at mahigpit na pinipigilan ang sanga dahil sa pagkakabend nito.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasyEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
