Kabanata 7 - Necklace

45 3 0
                                        

Nyx' POV

Gabi na nang makauwi ako sa bahay dahil sa pagdagdag ng mga klase ko sa hapon at iba pang mga activities.



Hay...buhay.



May narinig akong nagtatawanan sa kusina pagkapasok ko ng bahay kaya naman dumiretso na ako doon.


Nadatnan ko si dad at Henriette na nagtatawanan kasama ng isang babaeng nasa middle 40's na nagluluto.

"Dad?" tawag ko.

"Oh, Nyx nandyan ka na pala."

Bumaling silang lahat sa akin.


"Ate! Look oh? Ang yummy ng niluluto ni Tita Amanda!" excited na sabi ng kapatid ko.

Bumaling ako sa babae at ngumiti ito sa akin.


"By the way, this is your Tita Amanda. Mula ngayon dito na siya titira upang maalagaan kayo," pakilala ni dad.


Hindi ako umimik.


"Siya ang panganay ko, Amanda. Si Nyx. She's a freshman in college." Ngumiti si dad sa babae.


Nagpunas naman ang kamay ang babae bago lumapit at inilahad sa akin.


"Nagagalak akong makilala ka,Nyx." Ngumiti siya nang malamyos.


Tinignan ko muna ang kamay niya bago ko ito kinuha.


"Nice to meet you rin po."


Hindi ko maintindihan pero masama ang kutob ko sa babaeng ito. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Sa ngiti niya pa lang na nagbibigay ng kilabot sa akin at sa pananalita niyang parang hindi pangkaraniwang tao.


Hindi naman sa ayokong magmahal ulit si dad pero parang ang bilis niyang pinalitan si mom.


"Your Tita Amanda will be staying here for good para na rin mabantayan kayo. Lalo na dahil madalas akong wala dito. At ikaw Nyx, gabi na rin kung umuuwi kaya mabuting may kasama si Henriette dito," si dad nang nasa hapag kami.

"Ibig sabihin dad, siya na ang bago naming mommy?" masayang sabi ng kapatid ko.


"Parang ganun na nga." Ngumiti si Dad at hinawakan ang kamay ng babae.


Dumapo ang tingin ko rito habang umiinom ng tubig.


"Yehey! May mommy na tayo, ate!" Masayang bumaling si Henriette sa akin.


Plastik naman akong ngumiti bago nagpatuloy sa pagkain.


"Mabuti pa lumabas tayo bukas para magshopping. Gusto niyo ba 'yon?" masayang tanong ng babae.


"Really po? Yehey!" Pumalakpak pa si Henriette.


"That's a great idea. Bumili kayo ng mga bago niyong damit o gamit," deklara ni dad.


Pinagmasdan ko naman ang babae. Hindi kaya pera lang ang habol nito sa dad ko? Maganda siya at maputi kahit pa nasa 40's na. Simple lang din ang ayos niya at pananamit.


Tsk tsk tsk!



Ganoon nga ang nangyari kinabukasan. Araw ng linggo. Nang pumasok si dad sa trabaho lumabas naman kaming tatlo upang magshopping.


Una naming pinuntahan ang Kid's section para bumili ng mga damit ni Henriette.


"Wow! I like it, Tita Amanda. It's so pretty! Ang galing niyo po pumili!" ani Henriette habang tinitignan ang napiling damit ni Amanda.


The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon