Nyx' POV
Kinabukasan naging usap usapan ang pagkamatay ng babaeng estudyante. Ibinalita kasi sa TV na nasagasaan ang babae ng isang malaking truck. 'Yon na nga siguro ang ibig sabihin ni Kalem na siya na ang bahala.
Kawawang driver.
"E 'yong narinig nating sigaw ng babae kagabi? Ano 'yon?" si Samara.
"Wala 'yon. Naglalaro lang pala sila. Nagulat lang 'yong babae dahil tinakot siya ng mga kaibigan niya," palusot ko.
"Ganun? Doon talaga sila naglaro?"
"Yon ang trip nila e. Paki mo ba?"
Umirap naman siya at nagpatuloy sa pagkain.
Mula sa malayong lamesa nakita ko ang pagsulyap sulyap ng isang lalaki sa amin o mas tamang sabihing sa akin. Kanina ko pa napapansin ang pagtitig niya sa akin.
Ganda ko ba?
Tsk tsk tsk.
Naglalakad na kami patungong classroom nang nasagi ang balikat ko ng isang lalaking nagmamadali. Bumagsak ang mga librong hawak ko sa lupa kaya napatingin ako sa kanya.
Siya 'yong lalaki kanina.
"Pasensya na, binibini," aniya sa isang mababang boses.
Agad siyang lumuhod para pulutin ang mga libro kaya naman nagpulot na rin ako.
"Ayos lang," tipid na sagot ko.
Nagkatinginan muna kami bago tumayo. Nilahad niya sa akin ang mga libro at kinuha ko naman.
Ngumiti siya nang matamis bago naglahad ng kamay.
"Ang pangalan ko ay Orpheus." Nilahad niya ang kamay niya.
Tinignan ko muna ito bago tinanggap.
"Nyx."
Malinis ang gupit niya pero mahaba ang bangs niya. Nakasuot ito ng wayfarer sunglasses. Matangos ang ilong, mapulang labi, may perpektong panga at maputi ang balat.
Parang nakita ko na siya?
"Ehem...ehem!" Tumikhim si Samara kaya binitawan ko ang kamay niya.
"Uh...si Samara, kaibigan ko," pakilala ko sa kanya.
"Hi handsome!" Naglahad ng kamay si Samara na tinanggap naman ni Orpheus?
"Ikinagagalak kong makilala ka, binibining Samara."
Humagikgik na naman ang gaga.
"Masyado ka namang pormal," aniya na nakahawak pa rin sa kamay ni Orpheus.
"Orpheus!" boses ni Kalem.
Sabay-sabay kaming napatingin kay Kalem na nakatayo sa harap namin habang madilim ang titig sa lalaki.
"Oh nose. Nand'yan na si boyfriend. Lagot ka, Nyx!" si Samara.
Napatingin naman sa akin si Orpheus bago ibalik ang tingin kay Kalem.
"Teka, magkakilala pala kayo ni Kalem?" tanong ni Samara kay Orpheus.
Tumango naman ito bago nagpaalam. Nakita kong lumapit ito kay Kalem at may sinabi. May sinasabi rin si Kalem pero hindi namin marinig dahil pabulong lang sila mag usap. Tumingin naman sa akin si Orpheus bago sila naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasyEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
