Kabanata 29-Truth

29 2 0
                                        

Nyx' POV

Sa isang pitik ng daliri ay nagsimula na ang digmaan. Napuno ng hiyawan at kalansing ng mga espada ang buong palasyo.

Sinubukang kunin ni Kalem ang kamay ko ngunit may pumagitnang kalaban kaya nabigo siya. May mga sumugod naman sa akin kaya napapaatras ako habang sinasalag ang kanilang armas. Mabilis akong yumuko upang makuha ang punyal sa aking binti. Dalawang armas na ngayon ang hawak ko sa magkabilang kamay. Tumalsik ang berdeng dugo sa mukha ko nang mapatumba ko ang tatlo. Pinunasan ko ito at saka sumugod pa sa ilan ngunit agad akong nadaplisan sa likod nang may may sumugod sa aking likuran. Mabilis akong pumihit patalikod upang isalag ang espadang hawak. Tinadyakan ko ang dibdib at saka binalingan ang isa na naman sa aking likuran.Dumami na ang daplis ko dahil sa sunod sunod na pag atake sa akin.

Hinihingal kong pinunasan ang daplis sa pisngi ko habang tinitignan ang magulong paligid. Nahagip ng mga mata ko ang grupo ni Hecate na magiting na nakikipaglaban habang magkaharap naman sina Voltemir at Haring Isaurus.


Never kong naimagine kahit sa panaginip ang ganitong senaryo. Hindi ko akalaing makikita ko ang sarili ko sa ganitong kalalang sitwasyon!


"Nyx!" dinig kong pagtawag ni Kalem kaya mabilis kong nasalag ang espadang paparating sa likod ko.

Patuloy kong sinasalag ang bawat atakeng ibinabato sa akin at sa malayong gilid ay nasulyapan ko si Kalem na parang halimaw sa pakikipaglaban.


Nanghina ako nang makita siya at naisip ang mga ginawa niya..ang mga ipinakita niya.



Alin sa mga iyon ang totoo, Kalem? Lahat ba 'yon ay palabas lang? Maging ang pag ibig mo sa akin?


"Argghhh !" napasigaw ako sa sakit nang matamaan na naman ng espada ang aking likuran.

Napaluhod ako at naitungkod ang espada sa lupa. Pumatak ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagtama ng espada sa aking likuran o ang pagbaon ng punyal sa aking puso.




Bakit, Kalem?






Nanatili akong nakaluhod dahil sa panghihina. Parang unti unti na akong nawalan ng ganang lumaban at gusto ko na lang mamatay ngayon. Sobrang sakit.



"Nyx!"

Nakita kong sinalag ni Hecate ang espadang paparating sa aking harapan. Mabilis nyang napatumba ang kalaban at saka ako binalingan.

"Ayos ka lang ba?!" Tinulungan niya akong makatayo at bahagyang nagulat nang makita ang bumuhos na luha sa aking pisngi.


"Bakit?" nag aalalang tanong nito at pinunasan ang luha ko.

"Hindi ko na kayang lumaban, Hecate. Ayoko na." Umiling ako at lumandas na naman ang panibagong luha sa pisngi ko.


"Nyx, alam kong mahirap ito para sa iyo ngayon pero kailangan mong magpakatatag. Lumaban ka..." pagsusumamo niya.

"Hecate, sa likod mo!" sigaw ni Caius.

Agad bumaling sa harap si Hecate at sinalag ang espada. Nagpatuloy siya sa pakikipaglaban nang hindi umaalis sa tabi ko. Bawat bampirang lumalapit sa akin ay kanyang hinaharang.

Para na akong puno ngayon na nakatayo sa gitna ng digmaan. Kumikilos ang paligid ko ngunit wala akong ibang makita kung hindi ang sarili ko sa ilalim ng spotlight. Naririnig ko ang boses nina Hecate at Caius ngunit parang nablangko na ang utak ko at hindi na ako makakilos.


Ano bang purpose ko sa buhay?


Bakit kailangan ko pang lumaban?




Para saan? Para kanino?



The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon