Samara's POV
"Nyx, pahiram naman ako ng notes mo sa biology," sabi ko habang nagsusulat.
Narito kami sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng school grounds. Nakaupo sa sementadong lamesa at pahabang upuan.
Hindi umimik 'yong isa kaya napatingin ako sa kanya. Ayan na naman ang tulalang mukha niya. Kung kahapon sabog siya ngayon mas malala pa sa adik sa kanto.
"Oi Nyx!"
Tamad siyang bumaling sa akin.
"Tsk tsk tsk. Malala ka na. Magpacheck up ka na sa lunes baka maagapan pa," sabi ko at nagpatuloy sa pagsusulat.
Pumalumbaba siya at tumingin na naman sa kawalan.
Kinuha ko na lang ang notebook niya sa bag dahil wala naman akong aasahan sa isang 'to.
"Kumusta nga pala 'yong unang pasok mo sa club? Masaya ba?" tanong ko.
May binubulong bulong siyang kung ano-ano na parang nag oorasyon. Gigil na gigil din ang kanyang bibig sa pagbigkas.
"Ano? Lakasan mo naman."
"Bwiset siya!" sigaw niya.
Hala! lumala pa ata.
"Kapag nakita ko siya ipaalala mo sa akin na gigilitan ko siya sa leeg!" aniya at binali ang ballpen na hawak.
Oh no!
"Sino na naman ba 'yang kaaway mo? Si Farrah ba?" Ngumiwi ako.
"Hindi. 'Yong walang hiyang hudas na malignong 'yon na nagnakaw ng first kiss ko!"
SHET.
"Sino? Teka maligno? First kiss mo maligno?" Humalakhak ako.
Ang malas naman ng babaeng 'to. Hindi na nga kagandahan tapos first kiss pa niya maligno?
Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin kaya naman tumigil na ako. First warning na kapag ganyan.
"Sino ba kasi 'yang lalaking sinasabi mong nagnakaw ng first kiss mo aber?Baka naman ikaw ang nagnakaw?Binabaliktad mo lang. Sus...kilala kita, Nyx," sabi ko at muling nagsulat.
Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pagbubulong ng kung ano anong salita habang nakakuyom ang kamao.
Umiling iling na lang akong nagpatuloy sa ginagawa.
Kalem's POV
Nandito ako rooftop ng isang abandonadong gusali at pinagmamasdan ang mga estusyante sa ibaba. Hindi ko maintindihan kung bakit ang babaw ng kaligayahan ng mga mortal. Tumatawa sila kahit walang nakakatawa at umiiyak sa mabababaw na dahilan. Mga mahihinang nilalang.
Humithit ako ng isa pang beses sa sigarilyong hawak ko saka ito tinapakan.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Orpheus.
"Ano nang balita, Kalem?"
"Maghintay ka lang," sagot ko.
"Bakit ba natatagalan ka d'yan? Huwag mo nang hintayin ang pagsunod ko. Binabalaan kita," aniya at pinatay ang tawag.
Kumuyom ang palad ko at nagtiim bagang.
Alam ko na ang mga gagawin. Pero bakit ganito? Nahihirapan ako.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasyEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
