Kalem's POV
"How much?"
"T-That's 6,410 pesos, Sir!" anang cashier.
Kumuha ako ng pera sa wallet at nagbilang ng 7,000. Binigay ko sa kahera ang pera at binitbit ang pinamili.
Pagkarating ko ng eskwelahan nandyan na naman ang kaliwa't kanang mahihinang tili ng mga babae. Hindi ko maintindihan ang mga tao, parang ngayon lang sila nakakakita ng gwapo. Tch.
Pagkarating sa classroom napatigil ang propesor sa pagsusulat at sabay sabay na bumaling ang mga tao sa loob sa akin.
Hinanap ng paningin ko si Nyx. Tamad siyang nakatingin sa akin pero agad napalitan ng gulat nang bumaba ang tingin niya sa dala ko. Ngumisi ako.
Naglakad ako papalapit sa kanya at sinusundan naman ako ng tingin ng iba pa.
Nilapag ko ang sampung kahon ng paborito nyang pagkain sa mesa niya. Gusto kong matawa sa hitsura niya. Nakaawang ang bibig at nanlalaki ang mga mata. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagkislap ng mga ito.
Isinara ko muna ang bibig nya bago ako umupo sa aking upuan. Nagpatuloy naman ang propesor sa pagtuturo habang ang iba ay panay ang sulyap kay Nyx at sa akin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero mula nung gabing sinugod siya ng tatlong alagad ng dilim ay may malaking parte sa akin na gusto siyang protektahan.
Tumingin ako sa kanya.
Hindi siya kagandahan tulad ng karamihan. Maputla ang mukha dahil walang kolorete sa katawan. May katangkaran pero mas matangkad pa rin ako. Hindi payat at hindi rin naman mataba. May itim at hanggang balikat na buhok. T-shirt at jeans ang laging suot.
Hindi rin matalino. Maingay, mabunganga, matapang at mahilig magmura.
Kakaiba siya.
But her imperfection is what makes her perfect.
Yung mga katangiang 'yon ang nagustuhan ko. Actually lahat. Lahat ay gusto ko sa kanya.
Nyx' POV
Taena.
Iyan ang masasabi ko sa ginawa ng gunggong na 'yon. Bumili ba naman ng sampung kahon ng donuts. E ang mahal ang isang dosena no'n! Gunggong ba siya o gunggong talaga?!
"Oi Nyx, baka naman?"
Tumaas baba pa ang kilay ni Samara habang nakanguso sa sampung kahon sa ibabaw ng desk ko.
Tapos na ang klase at lumabas na ang ilan para magmeryenda.
"Bakit ikaw? Ano'ng sinabi mo sa akin noong humingi ako?" banat ko.
Lakas ng loob humingi e ang damot damot.
"Binibiro lang naman kita sineryoso mo naman."
"Maglaway ka d'yan," panggagaya ko sa sinabi niya sa akin.
"Nyyyyyxxxx....patawarin mo na 'ko!" Lumuhod siya sa harap ko.
Tssss.
"Sige na...bigyan mo na 'ko niyan." Nag puppy eyes pa siya at hinawakan ang binti ko.
Umirap naman ako at pilit inaalis ang kamay niya sa binti ko.
"Hindi mo 'ko madadaan sa drama mo."
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasyEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
