Kabanata 6 - Secrets

54 3 0
                                        

Kalem's POV

"Kalem."

Pababa na ako ng classroom nang may tumawag sa akin. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ito.

"Ano'ng balak mo kay Nyx?"


Hindi ako umimik.


"At bakit narito ka sa mundo ng mga mortal?"


Itinagilid ko ang ulo ko upang tignan siya. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa pader.



"Huwag kang magkakamali, Beitris." nagbabantang tinig ko bago umalis.



Nyx' POV


Literal na sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko. 'Yong akala kong nerd na lampang kaklase ko ay isa pa lang bampira?

Bakit ba nangyayari 'to sa akin?


Hinawakan ko ang ulo ko at dumudok sa lamesa.

"Oi babae! Wala kang balak magreview ha? Mamaya na 'yong exam natin. Baka gusto mo lang malaman," si Samara habang naglilipat ng pahina ng libro.

Pumikit ako dahil kahit ano'ng review ang gawin ko ay walang pumapasok sa utak ko.

"Pakopyahin mo na lang ako mamaya," tamad na sabi ko.


"Psh. Hindi sakop 'yan ng friendship natin."


Tamad akong bumaling sa kanya bago dumukdok ulet.


Nang maghapon pumasok na kami sa huling klase para sa isang exam. Idi-nistribute ng propesor ang mga papel at wala akong nagawa kundi titigan ito.


Pumalumbaba ako habang nakatitig sa papel kong walang sagot. Tinignan ko ang mga kaklase ko at seryoso silang lahat na nakayuko. Bumuntong hininga ako tumingin ulit sa papel ko.

Lalagyan ko na sana ng pangalan ko ang papel ngunit nagulat ako nang mabilis na hinablot ni Kalem ito habang nakayuko ang propesor at may sinusulat. Taka akong napatingin sa kanya. Ipinagpalit niya ang mga papel namin saka ito muling ibinalik sa akin.

Tinignan ko ang papel na may kumpletong sagot na at may pangalan ko pa sa itaas!

Tinignan ko siya nang may pagtataka ngunit tamad na tamad lang siyang sumasagot sa test paper ko kanina.


"Time's up! Please pass your papers!" anang propesor.

Tinignan ko ang papel ko at nagkibit balikat.


Sana naman walang kapalit ito!

Alas sais na nang makalabas ako ng school. Nagpaalam na si Samara sa akin pero nandito pa rin ako sa labas ng gate at hinihintay si nerd. Kahapon pa gulong gulo ang utak ko at gusto ko ng mga klarong sagot kaya inaabangan ko siya.

Hindi nagtagal lumabas na rin siya at at nagakatinginan kami.

"P'wede ba kitang makausap?" tanong ko.

Saglit muna niya akong tinitigan bago tumango.

"May alam akong lugar. Sumunod ka sa akin," aniya at sinundan ko siya.

Tinext ko si Mang Rodolfo at nakiusap na siya na muna ang bahala sa kapatid ko dahil sinabi kong may tatapusin pa ako sa school.

Nakarating kami sa isang parke na malapit. Umupo siya sa isang bench at sumunod naman ako. Iginala ko ang paningin ko at nakitang kaming dalawa lang ang nandito .Medyo madilim na sa paligid kaya tanging mga lamp post lang nagsisilbing liwanag. Umihip ang pang gabing hangin kaya isinukbit ko sa likod ng tenga ko ang buhok na humarang sa mukha ko.

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon