Kabanata 33- Spear

51 2 0
                                        


Huling kabanata✷

Kalem's POV

I don't know how to react. Masiyado rin akong gulat sa mga nangyari. Hindi ko akalaing may itinatago pa siyang alas laban sa amin. I want to hug her. Give her at least the comfort she needs right now. If only I wasn't trapped in this goddamn spell, I should've run to her.

Alam ko kung gaano kasakit mawalan. After witnessing the death of my father alam kong hindi madali. Walang salita na makakapaglarawan kung gaano ito kasakit. And in her case, mas mahirap. Dahil paulit ulit niyang nasaksihan ang pagkawala ng mga taong malalapit sa kanya. I know how she's badly hurt right now. It's not just a friend that she had lost, it's her best friend.

Sa maikling panahon na pagtira ko sa mundo ng mga tao, I realized how vulnerable they were when it comes to a so-called friendship. Maybe I've never felt it before-to have friends.

Sa maikling panahon din ng pagkakakilala ko sa kanilang dalawa, masasabi kong matibay ang samahan nila. They argue a lot yet, they are more than willing to sacrifice for each other. At 'yon ang nasaksihan ko ngayon.

Nyx was a brave girl. And I loved her for that. But to see her this weak and hopeless, I realized I loved her even more. Dahil sa lahat ng pinagdaanan niya rito, hindi siya sumuko. Even in her weakest.

May tatlo na lang natitira sa lima niyang alagad kanina. Pang apat 'yong bampirang pumaslang kay Samara. Nagpatuloy sa pakikipaglaban si Orpheus at Hecate. Samantalang iniiyakan pa rin ni Nyx ang kaibigan. Si Voltemir ay nakatingin lang rito at mukhang malalim ang iniisip.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit hindi ko kaya. Masyadong malakas ang pwersang bumabalot sa akin.

"Orpheus!" tawag ko sa kapatid.

Lumingon siya sa akin ngunit agad ding ibinalik ang mata sa kalaban. I know he's doing his best na tapusin agad ang kalaban ngunit sadyang malalakas ang mga ito. Malamang ay pinaghandaan talaga ng husto ito ni Voltemir.

Nahagip ng mga mata ko ang unti unting pagtayo ni Nyx mula sa pagkakaluhod. Nakatalikod ito sa gawi namin kaya hindi ko makita ng ekspresyon ng mukha nito. Pero sa pagkakakuyom pa lang ng kamao nito ay mararamdaman mo na ang galit nito.

Nakayuko siya at pinagmamasdan ang walang buhay na kaibigan. Pinahid niya ang pisngi niya bago dahan dahang pumihit patalikod.

Walang emosyon ang mukha niya na humarap kay Voltemir. Naalala ko, ganitong ganito din ang mukha niya noong kinalaban niya ang maraming alagad nang mag isa kanina.

I clearly remember how she fought those vampires in just minutes. It gave me shivers!

Wala siyang ibang hawak ngayon kung hindi ang kanyang gintong punyal na nasa kanang kamay.

"Sa wakas...nagising ka rin." Ngumisi si Voltemir.

Hindi umimik si Nyx. Nakatingin lang siya kay Voltemir na parang tumitingin siya sa isang walang kwentang bagay. I can't believe it's her biological father. Noong sinabi ni Orpheus na may isang taong nakatakda upang paslangin si Voltemir ay sinubukan ko itong hanapin. Saka ko lang ito nalaman nang magtaka kami ni kuya kung bakit siya hinahabol ng mga berdeng bampira. The reason why he tried to hypnotize her is because he wanted to convince her. Pero pinigilan ko.

Kaya ako umalis ng mundo niya ay upang tigilan na niya si Nyx. Alam kong mapapahamak lang siya sa gustong mangyari ni Orpheus. At ayokong mangyari iyon. Pero mukhang hindi talaga mapipigilan ang gustong mangyari ng tadhana dahil ang matagal ko nang pinipigilan ay nakatakda nang mangyari ngayon.

The Vampire TalesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon