Kalem's POV
Pinagmamasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Nyx. Dinala ko siya rito sa palasyo upang gamutin. Wala akong alam sa panggagamot pero ginawa ko ang makakaya ko upang alisin ang balang nakabaon sa balikat niya. Matinding pagpipigil ang ginawa ko dahil naaakit ako sa kanyang dugo. Marami pa siyang sugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan at 'yong iba ay pagaling na. Marahil ay nakuha niya iyon sa huling laban niya noong lumitaw ang pulang buwan.
Kahanga hanga ang taglay niyang katapangan. Hindi ko akalaing pagkatapos ng pinagdaanan niya rito ay nakuha pa niyang bumalik.
Tss... Ano nga bang inaasahan ko sa isang 'to?
It must be so hard on her. Lalo na ang pagkawala ni Beitris. Alam kong nagdadalamhati pa rin siya pero heto at nadagdagan na naman ang bigat sa dibdib niya. Ang mga taong inakala niyang mapagkakatiwalaan ay ipinagkanulo siya.
Naalala ko ang huling pinag usapan namin ni Beitris.
"Prinsipe Nikolaus."
Napahinto ako sa pag akyat sa karwahe. Bumaling ako kay Beitris nang lumapit siya sa akin.
"Maraming salamat," sinserong sabi niya.
Mataman ko siyang tinignan at tinanguan.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Beitris. Huwag mo sana siyang pababayaan."
"Huwag kang mag alala, Prinsipe Nikolaus. Gagawin ko iyan kahit hindi mo sabibin. Napamahal na sa akin si Nyx. Hindi na siya iba sa akin."
Huminga siya nang malalim at tumingin sa kawalan.
"Sa katunayan, siya ang kauna unahang taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag iisa. Siya ang nagbigay kahulugan sa akin ng salitang pamilya. Kaya poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit."
Doon pa lang sa sinabi nyang iyon ay alam kong hindi magiging madali ang gagawin niya. At hanga ako sa determinasyon niyang protektahan ang kaibigan .Ang nag iisang taong itinuring niyang pamilya.
Marahan kong hinaplos ang buhok niya at dinampian ng halik ang kanyang noo.
"Don't worry. Everything will end soon."
Nyx' POV
Nagising ako sa isang madilim na kwarto pero kita na ang liwanag sa labas dahil sa kurtinang bahagyang nakabukas. Tinabunan ko ng makapal na comforter ang sarili hanggang balikat at ipinikit muli ang mata. Makirot pa rin ang balikat ko kahit wala na ang bala rito. Bukod doon wala na akong iniinda. Marahil ay nasanay na rin ang katawan ko sa pakikipaglaban.
Inalala ko ang huling nangyari. Ang pagdating at pagsagip ni Kalem sa akin, ang mga dugo, mga armas at mga abong nagkalat sa sahig at ang sugatang si Hecate.
Hindi ko akalain na sa kabila ng ginawa ni Hecate sa akin ay hindi siya pinatay ni Kalem. Knowing him, alam kong kayang kaya niyang gawin 'yon pero hindi niya ginawa. Marahil ay iniisip niyang hindi ko iyon magugustuhan. Tama siya. Kahit hindi ganoon kalalim ang pinagsamahan namin ni Hecate at ng iba pa, kaibigan pa rin sila ni Beitris na siyang naging kaibigan ko rin. Kaya kahit papaano ay nirerespeto ko sila.
Napamulat ako nang makarinig ng isang katok sa pintuan.
"Kamahalan, narito po ako upang ihatid ang inyong agahan," magalang na boses ng isang babae.
BINABASA MO ANG
The Vampire Tales
FantasíaEveryone at the University is talking about the new student. Mysterious. Cold. Untouchable. With his striking looks and aloof personality, Kalem Nikolaus Lawhitton has every girl falling at his feet. But behind his captivating smile lies a dark secr...
