CHAPTER 1

352 24 14
                                    

Chapter 1.

"Oy, takbo! Bilis! HAHAHAHAHA" Tawa ko habang tumatakas sa mga security guard na humahabol saming magbabarkada.

"Boba ka anne! Dalian mo! Ang arte puta!" iritang sabi ni clare kay anne sa sobrang arte ne'tong tumakbo. Naka-takong ba naman.

"Mygosh, wait! Yung paa ko, it's ouchy!" irita pero may arte ne'tong sabi. natawa ako pero at the same time naiinis din sa sobrang arte at conyo ng babaeng 'to. Kingina, di ko nga alam bat nandito yan sa barkada.

"Pucha! Ang arte mo! Buhatin na nga kita! Pre, kunin niyo nga ang bag at folder ko" sabi ni zed kay kit at lawrence. Agad namang kinuha ng dalawa ang gamit nito. Sa sobrang aligaga namin ay binuhat agad ni zed si anne. Irita na'to.

"What the fuck?! Hey!" gulat at maarteng sabi ni anne. Di na namin pinansin reaksyon niya nung narinig namin ang mga guard.

"PrrRrt!" napalingon kaming lahat sa security guard at aligaga kaming tumakbo palabas ng gate sa likod ne'tong school.

Alas otso na kasi ng gabi at ngayon palang kami uuwi. Napagtripan naming tumambay muna sa classroom. Nagkwentuhan lang kami doon magdamag at nagtatawanan. Tuwing dadaan ang mga guard ay nagsisitago kami sa gilid ng pinto pero sadya atang umilaw ang kamalasan sa pwet ni lawrence.

Napangiwi ako sa naisip ko. Hindi ko nalang pinansin yun at dire-diretsong lumabas na sa pintong nakaawang kaunti. Naalala ko, ako pala ang sumira ne'to. Napaka-barumbado kong babae.

Ilang minuto lang ay lahat kami nakalabas na.. Tumakbo pa kami ng kaunti para naman makalayo-layo pa at siguradong di na kami makikita.

Hinihingal kaming nagpahinga sa hindi gaano kadilim na parte ne'tong eskinita.

"Mygosh! I didn't expect that ha? Feeling ko di na ako maganda right now! I'm so haggard na!" pagmumuktol ni anne samin. Ngumiwi nalang ako sakanya.

"Boba, kung wala ka siguro.. Di tayo mahuhuli!" singhal ni claire sakanya at napairap naman yung isa.

"Hayaan niyo na. Sana lang hindi tayo nakilala ng mga guard na yun" sabi naman ni zed tumango naman kaagad si kit na parang sumasang-ayon.

"Gago ka amber! Malalagot ata tayo" singit na sabi ni lawrence habang hinihingal. Natawa naman ako at dahil dun nangunot noo niya.

"Natatakot ka? Kasalanan mo kaya yun, baka umilaw nanaman eh?" lahat kami ay natawa sa sinabi ko at mula sa ngunot na noo tila naasar siya sa sinabi ko kaya't nilapitan niya ako at ginulo-gulo ang buhok ko.

"Gago ka" natawa nalang ako doon at inayos ang buhok ko. Tinignan ko oras ko, malapit na rin mag-alas nuebe. Kelangan ko na rin umuwi dahil tumakas lang ako sa driver ko.

"Tara na, uwi na tayo" yaya ko sa mga 'to. Pagod man sila pero pinilit pa rin nilang tumayo para makapagpahinga na rin siguro. Mas mainam yun, napagod din kaya ako no?

Nagdesisyon kami na magkanya-kanya na ng daan. Yung bahay namin walking distance lang naman sa school kaya kaya ko naman lakarin mag-isa.

Nagsimula na nga akong maglakad.. Madilim lang masyado 'tong linalakaran ko pero sanay naman na ako.

"Amber!" rinig kong tawag sakin kaya lumingon ako kung saan galing yun. Nagtaka ako dahil di ko maaninag kung sino yung papalapit dahil na rin sa dilim pero habang tumatagal.. Lumilinaw na sakin. Si steven pala, isa rin sa mga kaibigan namin kaso iba 'to. Tutok sa pag-aaral! Tss.

"Yow! Ano meron?" tanong ko rito.

"Ha? Sasabay akong uuwi. Kapit-bahay tayo eh?" tumatawa nitong saad at nakangunot pa ng noo. Napatampal ako sa noo ko dahil nakalimutan kong kapit-bahay ko pala siya. Gago mo self ha?

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now