CHAPTER 23

90 15 2
                                    

Chapter 23.

"Akala ko ba di mo papatulan?" Tatawa-tawang saad nito sa'kin.

"Hindi ko naman pinatulan. Patol na ba 'yon para sayo?" Tatawa-tawa ko ring sabi sakanya.

"Tangina non. Sakto sa pangalan niya. Na-brendamage na." asik niya sa'kin. Hindi ko mapigilang hindi mapalingon sakanya. Humagalpak ako ng tawa at ganoon din siya.

Brendallie. Brenda. Brendamage.

Natatawa ako habang maglakad na kami palabas ng cafeteria nila. Ayoko namang mag-stay doon ng matagal dahil para sa'kin ay para kaming sasakalin ng mga ibang babae doon. Lalo na si brendallie. Hindi ko nga alam bakit ganoon nalang ang pakikitungo niya sa'kin.

"Pero, bat kaya ganon ang reaksyon sayo ni brendallie?" Baling sa'kin ni elli.

"I don't know. Maybe she saw me as a threat about her feelings towards to damon." Sabi ko sakanya habang matunog na napangisi.

"Wow ha?" nayayabangang sabi nito sa'kin. Natawa naman ako sakanya at natawa na rin siya.

Kahit naman ako ay hindi ko alam kung bakit ganoon nalang pakikitungo ni brendallie sa'kin. Wala nga akong ginagawa sakanya. Kung sa bagay, naiintindihan ko naman siya. Baka siguro ay ayaw niya lang ako. Hindi ko rin naman pwdeng ipilit ang sarili ko. Ayaw ko rin naman ng ipinapakita niya sa'kin kaya hindi talaga malabong tuwing magkikita kami ay may away na magaganap. Lalo na kung kasama ko si elli.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang makarating sa hallway. Paglabas nito ay ang parking lot ng CA. Sa sobrang luwang ay pati ang hallway ay sobrang haba. Gusto kasi naming pareho ni elli na sa sasakyan nalang muna. Napagdesisyonan naming doon nalang kumain.

Patuloy lang ang paglalakad ko. Iniisip kung saan na si damon at kung ano ang ginagawa nito. Mula kasi kanina ay hindi ko pa ito nakikita. Gusto ko man siyang hanapin ay mamaya nalang dahil kasama ko pa si elli.

"Amber, teka." utal na saad ni elli sa'kin at agad na humarap sa'kin. Hinarangan pa nito ang dadaanan ko. Napangunot naman ako doon.

"Anong ginagawa mo?" taka kong tanong sakanya.

"Ahh. Ehh. Ano.." kamot ulo nitong sabi habang nakangiwi pa ang labi sa'kin.

"Ano? Tumabi ka nga dyan." sabi ko sakany at agad na tumabi para may dadaanan ako. Mas nangunot ang noo ko ng sumunod ito sa'kin.

Nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan kaya napayuko ako. Agad itong mabilis na dumaan na para bang may humahabol sa'min. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod nalang sakanya.

"Ano bang problema mo?" asik ko sakanya ng maglakad na ito ng maayos. Napaayos na rin ako ng tayo at tinignan siya ng masama. Inayos ko ang buhok kong nagulo dahil sa ginawa niya.

"Amber, gaano mo kamahal si damon?" agad nitong baling sa'kin. Nawala ang ngunot ng noo ko at napangiti.

"Hmm.. sobra." sambit ko dito at kumapit sa braso niya. Tinignan naman ako ito ng malumanay. Nangunot ang noo ko doon.

"Bakit?" natatawa kong saad sakanya. Hindi ko malaman ang dahilan bakit ito nagtatanong sa'kin ng biglaan.

"Wala.. Sana nga ay hindi ka masaktan ng sobra dahil sakanya." iwas tingin nitong saad sa'kin. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sakanya.

"Huwag kang mag-alala sa'kin elli. I can handle this." nakangiti kong saad sakanya.

"Make sure of it. Alam mo naman ako, lagi akong nag-aalala sayo. Napaka-tanga mo pa naman." mariing sabi nito sa'kin. Napa-angat ang kilay ko. Agad kong hinila ang buhok nito dahil sa sinabi nito sa'kin.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now