CHAPTER 4

103 16 4
                                    

Chapter 4.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Patuloy pa rin ang halik niya ngunit hindi na rin nagtagal ay itinigil niya na ito. Dahan-dahan niyang pinaghiwalay ang labi namin.

Napatingin ako kaagad sa mukha niya pero nasa labi ko naman ang tingin niya. Hindi ko mabasa sa mukha niya kung kinikilig din ba siya or sadyang wala lang talaga?

"Don't do it again. Especially, when I'm with you, you're with me or around me. I can't stop myself from kissing your damn lips." saad nito at tumingin sa mata ko. Hawak pa rin niya ang pisngi ko at hawak ko pa rin ang kamay niya. Wala akong masabi sa nangyari. Napakagat ako ng labi at yumuko dahil sa hiya. Tinignan niya ulit 'yon at napangisi sakin.

"Also that one. Stop biting your lips. I have the eagerness to bite that one too." lumayo na ito sakin at nagsimulang bumabasa hagdanan at papalabas na ng pinto pero bago pa man siya lumabas ay may sinabi na siyang ikinalaglag ng panga ko at ikinapula ko.

A-anong.. 'Stop teasing me by pouting and biting your lips in front of me. Remember, I am Jax Damon Gonzales, I can do it anywhere and everywhere I want."  What the... Fuck?!

Napahawak ako sa dibdib ko at agad na tinakpan din ang mukha sa nangyari. Jusko! Di ko na alam ang ginagawa ko.

Ilang minuto akong nag-stay doon bago nagdesisyon na lumabas. Nahirapan din naman ako sa paglalakad dahil nga sa sugat ko sa paa.

Paglabas ko ay walang katao-tao. Naglakad lang ako sa kung saan papunta ang paa ko pero napunta lang yun sa cafeteria. Bat ba ako napunta dito?

Aalis na sana ako pero naalala ko na kailangan ko ng tubig dahil sa nangyari. Namumula pa rin siguro ako. Kumuha ako ng tubig at hindi na binayaran yun may card naman kami at dun nalang ibinabawas ang kinukuha namin kaya ayos nalang yun.

"Amber! Pinapatawag ka sa gym!" rinig kong sigaw ni kimberly isang member ng cheerleading squad. Tumango nalang ako at uminom sa tubig bago nagpasyang tumayo at simulan ang paglalakad.

Malapit na ako sa gym ng makita si damon. Naalala ko nanaman ang nangyari. Umiwas ako ng tingin at nagtuloy-tuloy lang na para bang hindi ko siya nakita. Buti naman at hindi niya na ako tinawag pa.

Pagkarating ko sa gym, lahat sila ay nagpra-practice.. Bat nga ba dito sila magpa-practice? Halata namang may sarili rin silang court.

"Amber, come here." sigaw ng ni Mrs. Rumualdez, ang head ng mga teachers.

Napansin kong lahat ng nasa gym na players ay napalingon kaagad sakin at kanya-kanya na ng pasikat sa pagsho-shoot. Napailing nalang ako doon. Lumapit na ako kay Mrs. Rumualdez.

"Bakit po?" agad kong tanong mula nung makalapit ako.

"Pupunta ka sa Christian Academy next week. Ikaw ang magre-represent ng school natin. Maghanda ka ng speech mo." napalunok ako sa sinabi ni maam rumualdez, bakit sa lahat ng estudyante ay ako ang napili niya? Jusko dai!

"Ma'am, bat ako?" nauutal kong tanong sakanya.. Ngumiti naman ito sakin na para bang kakayanin ko yun.

"Bakit hindi? Nag-Humss ka noong HS diba? Idagdag mo pa ang galing mo sa pananalita. Nakikita ko ang potential mo kaya binibigyan kita ngayon ng task. Hayaan mo, mataas ang grade na ibibigay ko sa adviser mo." explain nito sakin.. Bumuntong-hininga ako sa harap niya at siya ay ngumiti naman at hinawakan ang balikat ko na parang sinasabing magaling naman ako so, kakayanin ko.

Dai, makapal ang mukha ko pero kapag ganito.. Potek!

"Saang school ulit maam?" tanong ko sakanya. Yumuko naman siya at natawa na rin. Tumingin ito sakin at sa mga basketball player na nage-ensayo.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now