CHAPTER 24

84 13 6
                                    

Chapter 24.

Natuon lang ang paningin ko sa dinaan ng lalaki kanina. Gwapo nga ito at hindi ko 'yon itatanggi. Kung aking papakiramdaman ang sarili.. Ay wala lang naman.

Napairap nalang ako sa hangin at nagsimulang maglakad para umalis sa hardin nila. Mula sa paglalakad ay hindi ko matanggal ang pag-ngunot ng noo ko dahil sa lalaking 'yon. Sino ba iyon at ganoon nalang kung umasta sa harap ko.

Kung makapag-tanong pa ito kung maraming magagandang babae sa lynton ay akala mo kung sino. Halata namang may kaya itong bisitahin ang paaralan ko. Bakit hindi nalang siya pumunta roon?

Ayoko ang paraan ng pananalita niya. Nayayabangan ako. Pakiramdam ko ay babaero rin 'to. Sa paraan palang ng panlalandi niya ay alam na alam ko na. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Naiinis ako dahil dapat ay hinahanap ko na kung nasaan sila jhaydee para malaman kung ano pa ang gagawin namin bukod sa paglilibot pero iba pa ang inatupag ko. Napabuntong-hininga nalang ako sa inis.

"Hey. Kanina kanina ka pa namin hinahanap." rinig kong sabi ng kung sino kaya napalingon ako doon at nakita ko si stanley. Mag-isa lang ito at wala si jhaydee at cyrus.

"Me too. I've been looking for you guys." sabi ko sakanya habang nakangunot ang noo.

"Oh, Nasa canteen lang kami kanina and then, noong nag-time hinanap ka na namin." explain nito sa'kin habang may kamay pa itong iginagalaw.

"Where are they?" nakangunot noo ko pa ring tanong ko sakanya.

"Oh, nasa tambayan namin. Ako na ang naghanap sayo. Tara na." sabi nito sa'kin habang nakangiti na. Ngumiti na rin ako pabalik.

Tumango ako at siya naman ay nanguna na sa paglalakad. Sumunod nalang ako sakanya hanggang sa mapantayan ko siya sa paglalakad. Tahimik lang kami at hindi ako sanay don.

"You like damon?" nakangiti nitong tanong. Agad akong napalingon sakanya at nangunot ang noo ko ng bahagya.

"Saan mo naman nalaman yan?" tanong ko sakanya. Lumingon naman ito sa'kin.

"Kay cyrus." maikli nitong sabi. Agad na umangat ang kaliwang kilay ko.

"Ang chismoso rin pala ng kaibigan mo." sabi ko sakanya. Natawa naman siya ng bahagya. Naging dahilan 'yon para mangunot ang noo ko.

"Ganoon lang talaga kami. Nagsasabihan ng mga nalalaman." sabi nito at humagalpak pa ng tawa. Napailing nalang ako sakanya at tumingin sa dinadaanan.

"So, gusto mo nga?" agad na tanong ulit nito sa'kin matapos tumawa.

"Bakit? Bawal ba? Masama ba? May problema rin ba?" sabi ko sakanya at hindi siya nililingon.

"Hindi naman. Suportado ka naman namin kung gusto mo talaga na para ka kay damon kaya lang di kami suportado sakanya o sa gugustuhin niyang babae." sabi nito habang malamya na ang kaniyang mukha.

Hindi ko maintindihan. Kaibigan nila si damon pero kahit sila ay hindi gusto ang mga nagugustuhan ni damon. Hindi ko alam kung ano ang problema.

"Bakit?" tanong ko sakanya. Napatigil ako at ganoon din siya. Lumingon ako sakanya ng nakangunot ang noo. Yumuko ito at hindi ako nililingon.

"Lahat ng gagawin niya may kapalit lahat 'yon amber. Hindi basta-basta pwdeng mahalin si damon at lalo ng hindi madaling magmahal ang isang damon Gonzales." malamya nitong sagot sa'kin.

Mas nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito sa'kin. Sa puntong 'to mas hindi ko naintindihan kung bakit.

"Hindi ko makuha ang gusto mong sabihin." sabi ko sakanya habang nakangunot pa rin ang noo ko.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now