Chapter 21.
Nagising ako sa ngalay ng pwesto ko. At ganon nalang ang gulat ko ng makita si damon sa tabi ko. Akala ko ay umuwi na ito. Bumangon ako at mahinang tinapik ang kanyang pisngi.
"Damon.." Mahinang tawag ko dito. Hindi pa ito nagigising kay inulit ko ulit ang paggising hanggang sa magmulat na ito ng mata.
"Hmm?" Malamya nitong sabi at tinignan ako. Agad na rin naman niyang ipinikit ang kanyang mata.
"Bat nandito ka pa? May pasok pa tayo mamaya." Mahina kong saad at sabay na tinanggal ang braso nito na kanina ko pa palang hinihigaan at ginawang unan.
Hindi niya ako pinansin at inabot ang phone nito sa kaliwang table na naroon. Nakita kong umilaw 'yon at dahilan para mapapikit siya. Nang masanay ay nagtipa ito ng marami at inilagay sa kanyang tenga. May tinatawagan.
"Hey, I'm sorry to disturb you. Can you bring my tomorrow's uniform. I'll send you the address. Thank you. Bye." Rinig kong sabi nito. Napangunot naman ako doon.
"Why would you do that?" Mahina kong tanong sakanya.
"I want to stay here with you." Mahina nitong sabi at hinila ako palapit sakanya.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Pati ang pagkabog ng dibdib ko ay ramdam ko. Hindi ko maiwasan na hindi kiligin tuwing nandito siya. Kahit nakikita ko palang si damon ay kinikilig na ako. Hindi ko 'yon maitatanggi.
Hindi ako yumakap pabalik. Hinayaan ko lang na siya yumakap sa'kin. Hawak nito ang likod ng ulo ko at ang baba nito ay nasa tuktok ng ulo ko. Samantalang ang isang kamay niya kanina ay ibinalik niya rin sa kaninang pwesto.
"Damon, mangangalay ang braso mo." Mahina kong saad sakanya.
"It's okay. Let's sleep." Inaantok na sagot nito sa'kin. Hindi na ako sumagot bagkos ay tumango nalang ako ng dahan-dahan.
Hindi ko na ramdam ang pagka-antok. Samantalang si damon ay mahimbing ng natutulog. Umalis ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan ang oras. 4:30 am na. Balak ko ng hindi itulog ang 30 mins. dahil maghahanda pa ako ng speech para ngayong araw. Mamaya na 'yon mangyayari. Kinakabahan ako pero dapat ay kayanin ko.
Tinitigan ko ang mukha ni damon. Hindi ko talaga kayang hindi pagmasdan ang mukha niyang sobrang gwapo. Alam ni steven kung gaano ako naging tanga kay damon. Lahat ata ng pag-iyak ko ay nasaksihan niya. Buti at nandyan siya tuwinh nasasaktan ako. Hindi ko alam Kung bakit baliw na baliw ako sa taong ngayon ay tinititigan ko.
Hindi ko rin maintindihan na sa tuwing halik nito sa'kin ay hindi ko makalimutan 'yon. Lahat ata ng gawin niya ay halos paborito ko. Kahit ang pagtiim-bagang nito ay saulo ko. Napabuntong hininga ako at napangiti. Hindi ako makapaniwala na ang isang Jax Damon Gonzales ay magkakagusto sa'kin.
Agad kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ang pisngi nito. Hinaplos ko yun gamit ang mga daliri ko. Lumapit ako sakanya at hinalikan ang noo niya. Wala pa man kaming nagagawa bilang magkasintahan ay masaya na ako. Handa akong gawin lahat mapasaya lang ang taong ko. Iisipin ko palang ay ramdam kong swerte na ako.
"Kiss me on my lips not on my forehead." Malambing na saad ni damon habang nakapikit pa. Natawa ako doon. Ngunit ginawa ko rin. Saglitan lang naman 'yon.
"I love you damon. I'm lucky to have you right now." Bulong ko sakanya. Agad niyang iminulat ang mata niya at ngumiti sa'kin.
"No. I'm the luckiest man alive. Wanna know why?" Sabi nito habang nakatitig sa mata ko. Nangunot ako at tinitigan din ang mga mata niyang malumanay kung tumingin. Napakagat ako ng labi dahil para akong nalulunod sa mga sinasabi niya.
YOU ARE READING
STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)
Ficção AdolescenteDo you believe that a girl can be so stupidly inlove to the point that she is willing to give everything?
