CHAPTER 22

102 15 16
                                    

Chapter 22.

"Hey.." Tapik ng kung sino sa'kin. Nilingon ko ito at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni elaine. Nginitian ko ito. Bumaling ito kaagad kay brendallie.

"Oh, magkakilala pala kayo?" Tatawa-tawang tanong ni brendallie. Napaawang ang labi ko dahil don.

"Seriously amber? Hindi mo kayang tapatan ang ugali nito?" Taas kilay na saad ni elli sa'kin. Agad ko namang hinila ang braso niya.

"Masisira Image natin pareho kapag ginawa ko 'yan. Not here." Malamyang ngiti kong sabi. Alam ni elli ang ugali ko. Pumapatol ako kahit saan pero ngayon ay wala akong gana para makipag-away. Gusto ko lang magdahilan.

"Excuse me? Kailan ka pa naging ganyan?" Iritang sabi nito sa'kin. Napabuntong-hininga nalang ako.

"I'm talking here. So, disrespectful." Mariing sabi ni brendallie. I don't know her. I don't know if she knows me. Baka nagkukunwaring hindi dahil kanina naman ay halos lahat ng estudyante ay pinag-uusapan ako.

"Brendallie, masyado naman atang maagas para ipakita mo ang napaka-samang budhi mo sa lahat?" Rinig kong sabi ni elli sakanya. Narinig 'yon ng lahat kaya ang iba sakanila ay natawa pa. Aaminin kong asar nga ako sa babaeng 'to pero mula sa narinig ko kanina ay nawalan pa ako ng gana.

Tinignan ni brendallie ang mga nagtawanan at sinamaan niya ito ng tingin. Unti-unti namang nawala ang tawanan na 'yon at naging bulungan nalang. Napangisi siya doon. Acting a queen?

"Oh c'mon, newbie. You don't know me well. Halos lahat dito ay ayaw na mabangga ako. Why so strong?" Ngisi nitong sabi at lumapit ng bahagya sa kaibigan ko. Agad na akong pumagitna. Alam ko ang kayang gawin ni elaine sakanya. Alam din ni elli ang kaya kong magawa.

Model kaming pareho at hindi namin pwdeng sirain ang image ng kung ano ang meron sa'min. Kung ako lang ay kaya kong pumatol kahit saan. Kahit ngayon ay kaya ko.. Iniisip ko lang talaga ang unipormeng suot ko at ang speech na ginawa ko.

Napaka-plastik ko..

"Stop. Let's go elli." Saad ko sakanilang dalawa habang nakataas pa ang kilay ko. Umirap naman si brendallie sa'kin. Hinila ko na si elli. Nilingon ko pa si damon at nakatingin ito ng mariin sa'kin. Umiwas na ako ng tingin at nagpasama nalang na hanapin ang office ng principal.

"Bat 'di mo pinatulan?" Iritang sabi ni elli sa'kin.

"Kapag pinatulan ko, kawawa 'yon. Atsaka wala pa naman siyang ginagawang masama sa'kin. Lalo na sayo." Sabi ko sakanya nang hindi nililingon.

"Ano? Hahayaan mong apihin ka at ako?" Rinig ko ang pagka-inis nito kay brendallie. Sa tunog palang ng pananalita niya ay alam na alam ko na. She's definitely my bestfriend.

"Then let her na apihin ka. You know what I can do kapag nasasaktan ang mga kaibigan ko." Mariing sabi ko sakanya.

"What? I don't know." React nito sa'kin na parang nalilito. Tumigil ako sa paglalakad at pumikit ng mariin.

"Stupid." Sabi ko at agad siyang nilingon. Hindi ko na ito hinintay na sumagot at nauna ng naglakad.

Minsan ay naiirita ako sa katangahan ng kaibigan 'kong 'to. Akala mo ay hindi ako kilala dahil sa mga sinasabi niya minsan. Pakiramdam ko nga ay hindi ko kaibigan yang si elli dahil napaka-shunga kapag kinakausap.

"Hey! Wait for me amber! Gosh!" Rinig kong sigaw nito sa hallway na dinadaanan ko. Hindi ko na ito pinansin at dire-diretso lang na naglalakad habang hinahanap ang principal's office.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa isang pintuan. Humugot ako ng malalim na hinga dahil kinakabahan akong magpakilala. Ngayon ko lang naman gagawin 'to. Ilang saglit lang ay kumatok na ako. Nakarating na rin si elli sa tabi ko. Pinapaypay pa ang sarili.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now