CHAPTER 5

92 18 1
                                    

Chapter 5.

Naiwan ako sa pwesto ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Ano bang nangyari doon? Bat di na ako pinapansin?

Inilapag ko ang tubig sa kung saang table nalang. Lumabas ako ng cafeteria na nangingilid ang luha. Bat ganto ang pakiramdam ko? Nalulungkot ako sa ginawa niya.

Noong una ko siyang nakita, alam ko na gusto ko na siya at ang paghalik ko pabalik ay nagpapatunay lang na gusto ko nga siya.

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata ko. Inayos ko rin ang pustura ko. Ang laki ng epekto nun para sakin.

Pagkabalik ko ng room ay wala pang teacher kung kaya't umupo ako kaagad at dumukdok muna sa upuan. Tinapik ni steven ang balikat ko pero hindi ko siya pinansin. Wala kasi akong gana para pumansin.

Saka lang ako umayos ng upo noong narinig ko na ang pagbati ng guro samin. Nakatitig lang ako sakanya pero sa totoo lang ay wala akong naiintindihan. Pinili ko nalang na tumitig sa labas ng bintana. Ayoko namang pilitin ang sarili ko na makinig.

Ganun lang din ang ginawa ko maghapon. Ni hindi na nga ako nakapag-recess ng hapon dahil ayokong pumunta ulit sa cafeteria. Sinabi ko nalang na matutulog ako para may lakas ako mamaya para mag-bar sa poro.

At ayun nga, natapos ang maghapong
Klase ng hindi ako nakikinig. Agad kong inayos ang gamit ko. Lumapit naman sila sa'kin.

"Are you okay, Amber?" nag-aalalang tanong sakin ni anne. Tumingin ako sakanya at ngumiti saka ako tumango.

Agad naman kaming lumabas ng room para pumunta sa parking lot. Di ko pa pala nasabi sa driver namin na huwag akong sunduin ngayon kaya eto, nandito siya para sunduin ako.

"Kuya, pwde na po kayong umuwi. May pupuntahan pa po kami." agad na bati ko sa driver namin.

"Ma'am, sabi po kasi ng mommy niyo need niyo umuwi." sabi nito sakin. Agad nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hayaan mo na siya. Just go, kuya. Bye!" ayoko ng humaba ang usapan kaya agad-agad akong tumakbo sa kotse ni zed dahil nandun ang gamit ko. Tinignan ko pa ang driver namin at kakamot-kamot itong pumasok sa kotse. Natawa nalang ako sa ginawa ko.

"Heto, yung mga gamit mo. Sa loob ka na ng kotse ko magpalit." ngumiti ako kay zed at pumasok na sa loob ng kotse niya. Kampante naman ako na walang makakakita sakin habang nagpapalit dahil tinted ang sasakyan niya.

Nagpalit na ako ng damit at tinanggal ko rin ang bra ko. Naglagay nalang ako ng nipple tape. Hindi naman babagay kapag nagsuot ako ng bra dito or di kaya tube.

Naghanap ako sa bag kung may mga jewelries doon at buti naman may kwintas at pendat non ay isang buwan. Isinuot ko yun kaagad at kinuha ko na rin ang heels ko para isuot din. Naglagay na rin ako ng light make-up at liptint.

Tinignan ko ang sarili ko sa maliit na salamin sa kotse ni zed at napangiti ako dahil okay na. Tinawag ko na si zed sa labas at lahat sila ready na. Ako nalang ang hinihintay.

"Amber, dyan ka na ba kay zed sasakay?" tanong ni kit at tumango nalang ako.

Lahat naman ay nagsi-pwesto na sa kanya-kanyang sasakyan at nauna na rin sila. Pumasok na rin si zed sa driver seat at ako naman ay inayos ang gamit ko bago lumipat sa tabi niya.

"May nagugustuhan ka na amber, hinay-hinay lang. Yung puso mo ah?" sabi sakin ni zed. Natawa ako sa sinabi niya kaya lumingon ito sakin at umiling-iling.

"Zed, relax. Kaya ko naman ang sarili ko. Nandyan naman kayo diba? Kung nasaktan man ako.. Hayaan niyo nalang part yun ng pagmamahal." sabi ko sakanya ng nasa daan ang tingin. Hindi na siya umimik at nagdrive nalang. Medyo malayo ang pupuntahang bar pero idinaan nalang niya sa catbangen para mapadali ang pagpunta doon.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now