CHAPTER 12

89 15 8
                                    

Chapter 12.

Gumising na ako ng maaga para mag-ayos ng sarili ko. Lahat-lahat ng morning routine ko ay ginawa ko na. After kong magawa 'yon ay agad na akong bumaba at kumain.

After kong kumain ay agad kong minaneho ang sasakyan ko papunta sa mcdo. Kaharap lang naman 'non ang school ko. Napagdesisyonan ko nalang na magdrive thru at sa school na kakainin.

Nag-order ako para sa lahat at siyempre di mawawala ang favorite kong iced coffee. Vanilla with Milky Flavor. Duh? Vanilla na Milky pa. Saan ka pa? Edi sa mcdo na!

Mabilisan lang naman dahil wala namang gaanong tao na nago-order dahil maaga pa lang. Nagmaneho ako kaagad papuntang school at pagkarating ko.. As usual, hinihintay nila ako.

Kinain namin ang mga dala 'kong pagkain. Medyo nagtagal ang pagkakain namin dahil sa kadaldalan namin. Agad-agad naman kaming pumasok sa classroom ng mag-bell na.

Wednesday, Thursday at Friday,  Walang ibang ginagawa school. Boring na boring kami. Except lang ngayong hapon na pupunta na kami ng CliQue.

"Amber, sure ka bang idadala mo ang sasakyan mo?" baling sa'kin ni kit.

"Di ako pwdeng maglasing dahil may aayusin ako bukas. Tamang inom lang. Kaya huwag kang mag-alala sa'kin." ngiti ko sa'kanya pabalik. Agad naman 'tong tumango.

"Uwi muna tayo para makapag-handa. 8 pm pa naman 'yon. 7:30 ay kita-kita na tayo sa CliQue." sabi ko sa lahat at agad namang silang pumayag.

Agad akong sumakay sa kotse ko at agad na pinaandar 'yon. Pupunta ako ng mall sa ngayon dahil hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko. Kaya bibili nalang ako.

Agad naman na akong nakarating sa mall. Dali-dali na akong bumaba dahil excited ako maghanap ng isu-suot ko para mamaya.

Nagtingin-tingin ako pero wala akong mahanap. Maaga pa naman dahil shorten period kami as of now. Napangiwi nalang ako dahil ayoko ang mga nandito sa mall.

Pumunta nalang ako sa mcdo para bumili ng iced coffee at chicken sandwich. After nun ay agad din naman akong umuwi para doon nalang tumingin pwde kong isuot.

Ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na rin ako sa condo. Hawak ko ang nakagatan ko ng burger at halos makalahating iced coffee. Lahat ay bumabati sa'kin, ngini-ngitian ko nalang sila.

Agad akong pumasok sa elevator. Pinindot ang floor ko. Hinihintay ko nalang itong bumukas. Ilang minuto lang ay nakarating na ako at agad naman na naglakad papunta sa room ko at nagulat ako ng nandun si steven at naghihintay sa pinto.

Agad akong lumapit at kinalabit ito. Agad naman siyang lumingon at ngumiti kaagad ng makita ako.

"Bakit?" tanong ko sa'kanya habang umiinom sa iced coffee ko. Tinignan niya naman 'yon.

"Kiss muna." sabi nito habang nilalapit pa ng pisngi. Agad ko naman inilayo ang mukha ko sa'kanya. Napanguso pa ang gago kaya natawa ako.

Binuksan ko na ang pintuan ko at pumasok naman siya. Nagulat ako nf hablutin niya sa'kin ang burger ko. Agad ko siyang hinabol dahil nakagatan ko na 'yon at akin naman 'yon.

"Charles Steven Yllarde! Huwag mong susubukan!" tumawa ito sa'kin at kumagat na sa burger ko.

Ibinaba ko ang iced coffee ko sa kung saan ay hinabol siya. Gutom kasi ako! Punyetang steven! Ang yaman niya pero di makabili!

"Napakapangit ng ugali mo!" sigaw ko sa'kanya dahil naubos na niya ang burger ko. Iritang-irita talaga ako.

"Babayaran naman. Bago tayo punta CLiQUE, libre kita." sabi niya. Inirapan ko nalang ito at kinuha ang coffee ko para ubusin na rin 'yon.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now