CHAPTER 8

97 17 0
                                    

Chapter 8.

Today is sunday. And I woke up having headache. Tinignan ko ang mga kasama ko at ang sarap pa rin ng tulog nila. Tinignan ko na ang oras at 11 na ng umaga. Bumangon na ako at pumunta sa kwarto para gawin lahat ng dapat gawin kahit hilong-hilo pa ako.

Pinipilit kong gawin lahat ng dapat gawin dahil paniguradong ako ang magluluto ngayon. Naagdesisyonan ko na rin na maligo. Binilisan ko ang galaw ko at ilang oras lang ay tapos na ako. Mula sa pagligo hanggang sa pagma-mouth wash.

Lumabas na ako ng kwarto at ganun pa rin. Tulog pa rin ang mga prinsesa at prinsipe. Pumunta na ako sa kusina at iniisip kung ano ba ang dapat lutuin ngayong may hang-over kami.

Binuksan ko ang fridge ni steven at nagtingin-tingin ng pwdeng pang-rekado. Ilang minuto kong paghahanap ay napagdesisyonan ko nalang na magluto ng tinolang manok.

Ilang saglit pa ay sinimulan ko na ang paggawa ng tinola. Lahat ng itinuro sakin ni aling tessie ay naaalala ko pa. Lahat yun ay in-apply ko sa pagluluto. Ilang saglit pa ay hihintayin ko nalang ito na kumulo at pwde na. Nagsimula na rin akong magsaing ng kanin para sa mga sakanila na rin.

Habang naghihintay ako, pumunta muna ako sa sala para gising na sila at makaligo. Need ko na rin kasi na umuwi after ng lunch. Gusto kong magpahinga dahil dalawang araw akong umiinom. Tinde ng tiyan ko.

Tinapik ko ang mukha nila isa-isa. Kapag mahirap gisingin ay pinapalo ko na sa pwet gaya ni lawrence. Sobrang hang-over ang mararanasan nito. Lahat na sila ay ginising ko. After nilang makamulat ay agad akong pumunta ng kusina at naghanap ng gamot para sakanila. Buti nalang may extra si steven.

Tinignan ko ang niluluto ko at pinakiramdaman kung luto na ba ang gulay na nilagay ko. Nang malaman kong malambot na ito ay agad kong in-off ang pinaglutuan ko.

Lahat ay inihanda ko na. Mula sa kanin at sabaw nila. Inilatag ko na rin ang mga gamot sa kanya-kanyang plates. May inihanda na rin akong juice at tubig.

Tinawag ko na sila at agad naman silang pumunta dito. Napatigil sila at hindi makapaniwalang ako ang nagluto. Tumaas ang kilay ko sa mga 'to.

"Ikaw nagluto girl?" nauutal na sabi ni anne. Tumango naman ako sakanya at napaawang ang labi niya nun.

"Woah! Hindi ko alam na nagluluto ka amber." natatawang sabi ni Zed sakin.

"Excuse me, Zed Kevin Corpuz! Alam kong magluto! Sadyang hindi niyo lang ako hinahayaan na magluto!" singhal ko sakanya habang napaairap pa.

Napanguso nalang siya sakin at umupo na rin sila sa kanya-kanyang pwesto. Si lawrence at steven ay halatang inaantok pa. Mapaso sana ang mga dila niyo para magising kayo.

Pinalo ko ang dalawang antukin at umayos naman na silang umupo. Nagsi-kuhanan na rin sila ng kanya-kanyang pagkain. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung masarap ba siya or hindi. Pakiramdam ko, masarap naman.

Ilang minuto lang ay naubos na lahat ng pagkain. May natira lang na kanin dahil nga iba sakanila ay pinili nalang na sabaw lang baka raw kasi ay maisuka nila yun sa daan.

After naming kumain ay iniligpit ko na lahat ng pinagkainan. Inutusan ko nalang si zed at kit na maghugas. Agad-agad naman nilang ginawa 'yon. Lahat naman samin ay nagkanya-kanya na ng ligo pero para sa mga natira.. Tinulungan muna akong magligpit ng pinaghigaan.

Napagdesisyonan namin na umuwi mamayang 1:30 para makapag-ayos pa ang karamihan. Hindi na ako magpapalit dahil nakaligo na ako. Sayang naman kung magpapalit pa ako. Diretso uwi naman na ako.

Suot ko ang kinuha kong damit kay steven puti ito at kita ang pula kong bra sa loob. Shorts naman ang suot ko sa pambaba. Okay naman na siguro 'to.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now