CHAPTER 11

95 16 5
                                    

Chapter 11.

Yumuko ako dahil alam kong namumula na ako. Naramdaman ko rin ang pagtitig sa'kin ni damon. Nagpapasalamat ako dahil saglitan lang 'yon.

Damon.. Huwag kang ganyan. Alam mo bang sa ginagawa mo ay mas lalo akong nahuhulog sayo?

Pareho kaming kumain ng tahimik. Hindi na ako nakapag-salita dahil nahihiya na ako. Parang ang hirap magsalita.

Ilang oras bago kami natapos. Napagdesisyonan namin na magpahinga muna.

"Masarap ba?" nauutal at nahihiya kong tanong kay damon.

"Yea." malamig na sabi nito sa'kin. Tumango nalang ako.

Ilang minutong pahinga ay parehas na kaming tumayo. Nalulungkot ako dahil hindi ko nanaman siya makakasama. Nalulungkot ako dahil pupuntahan nanaman niya ang taong gusto niya.

"Damon, pwde bang restroom muna? I need to pee." pakiusap ko sakanya. Tumango naman siya kaagad at pinauna akong maglakad.

Sa totoo lang ay hindi ako nai-ihi. Gusto ko lang patagalin ng oras na kasama ko siya. Pwde bang mamaya nalang siya umuwi? Or di kaya.. Huwag na.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa CR ng girls. Pumasok ako kaagad sa isang cubicle at doon ko sinabunutan ang sarili ko.

Nakakahiya ang mga ginagawa ko at pinag-iisip ko. Lumabas na ako sa cubicle at nagsalamin. Tinignan ko ang sarili ko. Dinagdagan ko ng liptint ang labi ko. Kaunting retouch lang.

After kong gawin 'yon ay lumabas na ako. Nakita ko naman siyang nakatayo at kinakalikot ang phone niya.

"Hey. Let's go." aya ko sakanya. Agad naman niyang ibinulsa ang kanyang phone. Tumango lang siya sa'kin.

"I'll go home now. Emmalie wants to be with me and she also needs me." walang reaksyon na sabi nito sa'kin habang nakatingin. Hindi ko siya tinignan pabalik. Ngumiti ako pero mapakla 'yon. Tumango nalang din ako.

"Bye." sabi nito sa'kin at nagsimula ng maglakad palayo.

"Bye.." mahinang sabi ko. Hindi na niya ako nilingon. Siguro ay hindi niya na 'yon narinig. Ang sakit lang na nandito lang siya dahil gusto ko. Sa huli ay sa iba pa rin ang punta niya. Para akong kabit.

Nangingilid ang luha ko. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papuntang grocery. Agad akong pumikit at umiling dahil ayokong mapaluha sa gantong lugar. Ang daming tao.

Pumunta na ako sa grocery part ng mall. Lahat ng gusto ko ay binili ko. Karamihan sa mga 'yon ay spicy noodles at samyang. Kumuha rin ako ng iba't-ibang pagkain. Pulot dito, pulot doon. Kung ano ang makita kong masarap ay kinukuha ko.

Nang mapuno ang cart ko.. Napagdesisyonan ko ng tumigil at pumunta na ng cashier. Ang ibang tao ay tumitingin sa'kin at sa mga pinamili ko. Napapairap nalang ako sa mga 'to.

"Ang sama ng tingin mo sa iba ah?" napalingon ako sa tumabi sa'kin at si steven pala 'yon. May cart din siyang dala kaso.. Kalahati lang ang nandoon at siyempre, di mawawala ang alak niya.

Napangiwi ako dahil doon. Agad naman siyang natawa sa ginawa ko. Napatingin siya sa dalawa kong cart.

"Ang dami ah? Uubusin mo ba lahat ng nandito sa CSI?" biro niyang sabi. Agad ko siyang sinapak sa braso at tumatawa-tawa lang naman ang gago.

Iniwan ko siya at nauna na sa pila. Sumunod siya sa'kin at parehas kaming naghintay. Lumapit 'to sa'kin ng ma-bored.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa'kin paglapit.

"Seriously? Charles Steven Yllarde? Ano sa tingin mo ang ginawa ko?" iritang baling ko sakanya.

"Rumampa habang nag-grocery?" agad ko siyang sinapak sa braso at tumawa naman siya.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now