CHAPTER 17

68 13 6
                                        

Chapter 17.

Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang dapat na gagawin ko. Nagtiim-baga si damon at ganun nalang ang pagka-taas ng noo ni steven na para bang nanghahamon.

Agad akong humakbang papunta kay damon at tinignan niya lang ako. Napakagat ako ng labi ko dahil sa lamig nanaman ng tingin nito sa'kin. Napalingon ako kay steven at nanghihingi ng pasensya.

"Damon, It's just a friendly gesture." Paliwanag ko sakanya. Naging matunog naman ang pagngisi nito.

"That's nothing for me. I'm here to remind you about your speech. They decided to move it on the next day." Malamig nitong sabi sa'kin. Nasaktan ako dahil akala ko ay naapektuhan siya sa paghalik ni steven sa'kin. Dapat nga ay meron, hindi ba? Bakit wala?

Ngumiti nalang ako ng mapakla sakanya kahit alam kong nasasaktan na ako. Ayokong ipakita sa kanilang dalawa na iiyak nanaman ako. Ayokong ipakita ulit kay steven na umiiyak ako dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Okay." Nauutal kong sagot at yumuko dahil sa pagkapahiya. Lumingon ako kay steven at ganun nalang ang pangingilid ng luha ko. Nagtiim-bagang ito at nagsimula maglakad palapit sa'min.

"Steven." Hawak ko sa braso nito ng lapitan si damon. Ang kaba ko ay mas lumala dahil sa tinginan ng dalawa.

"Let's talk." Agad na sabi ni steven. Nangunot ang noo ko doon.

"Steven. Stop. Please." Nagmamakaawa kong saad sakanya. Nilingon ako nito.

"Amber, di ko gagawin ang iniisip mo. Take a rest. Do your speech. I'll go home. I'll pick you up tomorrow. " Saad nito at humarap na kay damon.

"Tss. Stay. Enjoy." Walang ganang ekspresyon ni damon at nauna ng umalis. Agad na ring tumalikod sa'kin si steven at siya na rin ang kusang nagsarado ng pintuan ko.

Ang kaninang luhang naipon ko ay agad-agad kong pinakawalan. Ang bigat at sakit sa dibdib ko ay inilabas ko na rin. Agad akong pumasok sa kwarto ko at doon inisip lahat.

Damon, hindi kita maintindihan. Kahit pilitin kong gawin ay hindi ko naman magawa dahil ni katiting sa nararamdaman mo ay hindi mo sinigurado sa'kin.

Napatingala ako sa kadahilanang hindi na ako makahinga dahil sa ilong kong nabara na ng sipon. Agad akong lumabas sa kwarto at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Agad ko naman 'yong ininom.

Napagdesisyonan kong magpahinga nalang muna at saka na gawin ang speech ko. Sa ngayon ay nakaupo ako sa veranda ng unit ko. Kailangan ko ng hangin para makahinga.

Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko. Ang lakas ng epekto ni damon sa'kin. Sa lahat ng ginagawa niya ay may nararamdaman akong kakaiba. Ilang oras pa akong nagpahangin at nagpasyang pumasok na sa loob.

Dumiretso ako sa kwarto at kinuha lahat ng gamit ko pati na rin ang bag ko. Napagdesisyonan ko ng magsulat para sa speech ko.

Sinimulan ko na ang pagsusulat. Ilang oras ang ginugol ko para doon at para na rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Napagdesisyonan ko na rin itong i-encode at isend ang file sa teacher ko.

Aaminin kong hindi ganoon kadali ang paggawa ng speech lalo na't ang gusto ata ng teacher ko ay mapabuti ang relasyon ng bawat paaralan. Lahat naman ay ginawa ko para mapaganda 'yon.

Nang matapos ko ang speech ay agad kong iniligpit ang gamit ko. Ibinalik ko lahat ng 'yon sa loob ng kwarto. Tinignan ko ang oras at lagpas na ng dinner. Gutom na ako at tinatamad na rin akong magluto.

Napagdesisyonan kong bumili nalang sa labas. Agad akong nagpalit. Jacket at shorts nalang ang suot ko at tsinelas. Kinuha ko na rin ang wallet ko at susi ng kotse. Agad na akong lumabas at bumaba.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Stories to obsess over. Discover now