CHAPTER 3

123 19 2
                                    

Chapter 3.

Naglakad na kami papunta sa isang room at masasabi kong itong kwartong 'to ay para sa mga kasali sa pagma-manage at paggawa ng newspaper. Malinis ang kwarto at punong-puno ng papel. Nakakalat din ang ibang ballpen at nakabukas ang mga laptop and computers. Siguro ay nabigla silang dito magsho-shoot.

Ang iba ay nilinis ni mary anne, since siya ang kukuha ng picture. Inayos niya ang mga ibang silya at lamesa. Tumulong naman ang ibang mga lalake para gawin yun.

"Okay.. So guys, ganto. Ang unang picture lahat kayo ay makukuhanan. Pangalawa, hatiin niyo ang grupo niyo sa dalawa since sampo lang naman kayong nandito. At pangatlo, Si amber lang at ang captain ninyo ang kukuhanan. Gets ba?" harap ni mary anne sa mga players.

"Pwde bang tig-iisa rin kaming makukuhanan kasama si Amber? Tama ba name?" tanong ng isang lalake at nilingon pa ang kasama para tanungin kung tama ba ang pangalan ko. Natawa ako kaunti at napailing nalang sa kalokohan niya.

"Hindi pwde." agad na sabi ni mary anne kaya ang iba at napanguso pa at parang nagmamaktol. Amp.

"Okay! Let's start! Yung iba ay maupo. Yung iba rin ay tatayo. Hayaan niyong nakatayo ang position ni amber para ma-expose siya. Ang tatangkad niyo eh?" lahat naman ay sumunod. Anim ang umupo at aming nakatayo ay lima. Ako ang pinagitna nila. Sa totoo lang ay nahihiya na ako sa sarili ko. Hindi ata ako mabango.

Eh? Bat ko ba naisip na mabango ako o mabaho? Hayaan na nga lang.

"1, 2, 3!" sigaw ni mary anne sabay flash ng cam at siyempre lahat naman kami ay nakangiti.

"Okay, next! 5 by 5 na tayo!" agad naman na nagsi-alisan yung iba at tumabi sakin yung iba.

"Ang bango niya pre. Ang tamis ng pabango." rinig kong bulong ng isang di naman ganun kaputing player. Napalingon ako sakanya at natawa. Nagulat naman siya dun kaya siniko niya yung kasama niya na para bang sinasabing napansin ko siya.

"Umayos na!" lahat naman kami ay umayos. In-apply ako ang pagiging model ko dito. Inilagay ko ang kaliwa kong kamay sa bewang at ang kanang kamay ay itinaas ko na para bang ipinapakita ko ang mga kasama ko.

"1, 2, 3! Nice pose, amber!" sigaw ni mary anne. Nakagat ko labi dahil dun. Jusko mary! Nakakahiya 'to.

"Next batch!" ngumiwi ako dahil ramdam ko ang pagod ng paa ko katatayo. Di naman kasi ako sanay na tumayo ng may heels.

"Can I get a chair?" rinig kong sabi ng isang lalake, matangkad ito at ang gwapo. Maputi siya, matangos ang ilong, mapula ang labi, mahaba ang pilik mata, yung kilay niya makapal. Yung buhok niya medyo magulo na babagay talaga sa hugis ng mukha niya.

Agad na nagbigay si Mary ng chair. At bumalik na agad sa pwesto para tignan ang camera at mga kuha nito.

"Here, seat." agad na ibinigay sakin ang upuan na yun. Nailang ako pero agad ko ring ginawa.

"Naks! Captain! Hindi ka ganyan ah?"

"Akin yan captain damon!"

"Cap! Meron pa si denise!"

"Cap! Samin nalang!"

Rinig kong asar ng mga kagrupo sa captain nila pero hindi niya ito pinansin. Umupo nalang ako at inayos ang palda ko. Damon pala name niya? Ohh. Okay..

"Amber? Nakaupo ka? Parang di bagay." tumingon ako kay mary at nangunot ang noo sa sinasabi niya. Tumayo ako kaagad at gumilid.

"Kuya, ikaw ang umupo." tawag ni mary kay damon. Tumingin ito kay mary ng walang ekspresyon sa mukha pero umupo rin naman ito.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now