CHAPTER 16

93 14 5
                                    

Chapter 16.

Nagising na ako sa lamig na naramdaman ko. Pinakiramdaman ko ang sarili kung maayos na at sa tingin ko ay okay naman na.

Bumangon na ako at agad na binuksan ang pintuan ko. Nagulat ako nang makita si damon sa couch. Naka-krus ang kamay nito at tahimik ang pagtulog. Akala ko kasi ay hindi ito matutulog dito. Akala ko ay uuwi siya. Yun naman ang sinabi niya kagabi. Napangiti nalang din ako.

Lumapit ako dito ng dahan-dahan naglakad papunta sakanya upang hindi siya magising. Umupo ako para makita ng tuluyan ang mukha niya.

Napangiti ako ng makita ng tuluyan ng mukha niya. Napaka-amo nun. Mula sa kilay niyang makapal, sa pilik-mata niyang mahaba, sa ilong niyang matangos at labi niyang mapula. Napakagat ako ng labi dahil tuwing tinitignan ko ang labi niya ay naaalala ko ang mga paghalik niya sa'kin.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Gusto kong hawakan ang labi niya. Gusto kong hawakan ang lambot nun. Unti-unti kong ginawa 'yon at nagulat ako ng hilain ako ni damon at naging dahilan yun para mapatayo ako at naupo sa gilid ng couch. Maliit ang espasyo nun pero sapat na para makaupo ako.

Ang kaliwa braso ay nasa balikat niya at ang isang kamay ko naman ay nasa dibdib niya. Ramdam ko ang tigas nun. Ang kamay niya ay nasa bewang ko. Napakagat ako ng labi ng pisilin niya 'yon. Napa-angat ako ng tingin at nakapikit pa 'to.

"I can't sleep properly if a beautiful angel keeps on staring at me." Sabi nito habang nakapikit pa rin.

"What?" Nauutal kong tanong sakanya. I heard him chuckled and I slightly pinched his biceps. Agad naman siyang nagmulat doon.

"It hurts." Malamya niyang tanong. Natawa nalang ako doon.

"Let go. I'm going to cook. Papasok pa ako." Sabi ko sakanya. Agad itong nagtaas ng kilay.

"I can still feel your heat." Mariing sabi nito sa'kin. Napangiwi naman ako doon.

"But I need to. Gagawa pa ako ng speech para sa pagbisita ko sa school niyo." Sabi ko sakanya. Ganun pa rin ang itsura nito. Napakasuplado talaga ng isang 'to pero kahit ganoon pa man ay sakanya pa rin ako nahuhulog.

"I can do your speech." Sabi nito. Agad naman na nangunot ang noo ko sakanya.

"Pardon?" Maldita kong tanong sakanya at umayos ng upo. Tumikhim naman ito at tumayo na rin.

"I said, I can do your speech." Ulit nitong sabi. Inis ko siyang nilingon ngunit ganon nalang ang gulat ko ng sobrang lapit niya sa mukha ko.

"What?" Sabi ko at biglang yumuko dahil sa kahihiyan ko.

"Amber, Can I kiss you?" Sabi nito sa'kin at agad kong tinakpan ang labi ko dahil naalala kong di pa ako nakapag-ayos.

"Damon, di pa ako nakapag-ayos at nakapag-toothbrush." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman ito at marahang tinanggal ang palad na nakatakip sa bunganga ko.

"I don't care. I want morning kisses." Sabi nito. Hindi pa man ako nakasagot ay ginawaran na ako nito ng halik.

Isang dampi lang 'yon pero yung kilig ko ay sobra sobra na. Pinipigilan kong ngumiti pero hindi ko nakayanan. Ngumiti rin ito sa'kin at umiling.

"I'm not going to school too. I'll stay here with you until you recover." Haplos nito sa mukha ko at inalis ang ibang nagkalat na buhok. Mas ngumiti pa ako.

"I'll make a breakfast then." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya kaagad at ngumiti. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinila na rin siya.

Nauna akong pumunta sa kusina at hinayaan muna siya. Naghanda ako ng lulutuin pero hindi ko alam ang gusto niya.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now