Chapter 18.
Hindi ako mapakali sa nakikita ko. May pasa ito sa mukha at galos sa mga kamay. Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari pero ang lakas ng kaba ko.
Agad namang lumapit si zed, kit at lawrence. Ganoon din si clare at anne. Lahat sila ay makakakitaan ng pag-aalala. Agad na tinapik ni zed ang braso ni steven. Agad naman itong umayos ng umupo ngunit hindi pa rin kami nito pinapansin.
Agad kong hinawakan ang kamay niya at agad niyang tinignan ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Nilingon ako nito ng walang kahit anong ekspresyon sa mukha.
"Steven.." Mahina at garalgal boses kong saad sakanya. Hindi niya 'yon pinansin at tumingin sa iba pang barkada. Inalis nito ang kamay ko at humarap sakanila. Ganoon nalamang ang panlulumo ko.
Nanikip ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Ang sakit na makitang ganito ang bestfriend ko sa'kin. Wala akong ideya sa kung ano ang nangyari. Gusto kong magtanong pero hindi niya ako pinapansin.
Naguusap-usap silang lahat. Hindi ko na ipinilit ang sarili kong magpapansin kay steven at kausapin pa siya. Nalulumo akong tumalikod sa mga 'to at agad na nangalumbaba sa arm chair ko. Napakagat ako ng labi dahil sa kaba na ngayon ay meron pa rin.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa nakita ko sa itsura ni steven. Halata ang mga sugat nito kaya ganoon nalang ang gulat ko dahil sa hindi niya pag-iingat.
"Amber, tawag ka sa faculty." Rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Agad naman akong tumayo at kinuha ang file case ko. Siguro ay tungkol 'to sa speech na ginawa ko.
Nahihiya man akong dumaan sa gawi ni steven ay kinaya ko nalang. Hindi ko na siya pipiliting kausapin ako. Ayokong kausapin siya hindi dahil ayaw niya rin akong kausap. Gusto ko lang na kusa itong magsabi sa'kin ng problema. Magkaibigan kami at heto siya ngayon.. Hindi masabi sa'kin ang kanyang ginagawa at iniisip.
Naglakad ako papunta sa faculty at as usual maraming mga kapwa estudyante ang nakakalat at panay ang tingin sa gawi ko. Sobrang sanay na ako sa mga tingin nila. Nawala na rin ang kabang nararamdaman ko.
Ilang minutong paglalakad ay agad na rin naman akomg nakarating sa faculty. Agad kong hinanap si Mrs. Rumualdez. Nang makita ko siya ay agad ko iyong kinawayan. Tumayo naman ito ng may ngiti sa mukha at naglakad na ito papunta sa gawi ko.
"Are you ready? Sa makalawa na 'to. Bukas ang paglilibot mo sa CA." Explain nito habang kinuha at binuklat ang folder na pinaglagyan ko.
"Yes maam. Need po bang i-memorize yan?" Nagaalanganin kong tanong.
"No, dear. Eye contact lang sa audience sa every dots na mababasa or makikita mo." Explain nito habang sinisimulan ng basahin ang speech. Tumango nalang ako sakanya.
Hindi na ako nagsalita dahil ayoko namang ma-istorbo si Mrs. Rumualdez habang binabasa ang speech ko. Sumandal ako sa pader dahil gusto ko na munang umupo pero walang maupuan.
Ilang oras pa bago natapos sa pagbabasa ang teacher ko. Humarap ito sa'kn habang nakangiti at para bang maganda ang gawa ko. Sa totoo lang ay tinatamad nga ako ng gawin 'yon.
"Your speech is quiet excellent." Manghang sabi nito sa'kin. Ngumiti naman ako sakanya.
Buti naman at nagustuhan niya ang ginawa ko. Mahirap kaya gumawa ng speech. Magpapagawa sana ako sa mga tropa ko kaso umiinom pala sila kagabi.
"Thank you maam." Sabi ko. Agad naman niyang inabot sa'kin ang speech ko. Kinuha ko naman 'yon kaagad at ngumiti sakanya.
"Amber, bukas ng umaga ang paglilibot mo sa CA. Pwde ka ng dumiretso doon at babalik ka nalang dito ng hapon para sa klase mo." Agad naman akong tumango sakanya.
YOU ARE READING
STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)
Novela JuvenilDo you believe that a girl can be so stupidly inlove to the point that she is willing to give everything?