Chapter 20.
"Teka, teka.." Singit ko sa dalawa dahil parehas na silang nakangunot ang noo.
"Kilala niyo isa't-isa?" Takang tanong ko sa mga 'to. Agad namang umirap sa'kin si elli at umupo sa lapag. Nilingon naman ako ni steven.
"Is that your 'so called bestfriend'?" Iritang sabi sa'kin ni steven. Napataas naman ako ng kilay dahil doon.
"Yes, why?" Maldita kong saad sakanya habang nag-cross arms pa. Nagpamewang naman ito kaagad at nilingon si elli.
"I don't like her." Singhal nito at tumingin sa'kin. Naiirita akong tumingin sakanya at sinamaan pa ng tingin si elli.
"Kanina pa ako nagtatanong. Hindi niyo ba ako sasagutin? Kung hindi, parehas na kayong lumabas ng unit ko." Iritang sabi ko. Sapat naman 'yon para marinig ng dalawa. Tumayo si elli at umupo sa couch. Nakatingin na ito sa gawi namin.
Agad akong naglakad sa couch. Si steven naman ay nanatili pa ring nakatayo sa pwesto niya. Nilingon ko si elli at nakataas ang kilay nito habang nakatingin kay steven. Agad ko namang narinig ang matunog na pag-ngisi ni steven.
"Are you stand there steven? It's okay with me. Sana ay mangalay ka." Maldita kong sabi dahil ramdam ko na ang irita ko ngayon sa katawan.
"What?!" React na sabi ni elli sa'kin habang nanlalaki pa ang mata.
"What?" Maldita kong tanong.
"Siya si steven?!" Sabi nito at itinuro pa ang kaibigan kong lalaki. Napabuntong-hininga naman ako at tumango ng marahan.
"Oh, gosh. Binabawi ko na ang sinabi ko." Sabi nito at umakto pang nandidiri.
I can't believe this two person in front of me. Arguing like a child while I'm here, looking at them curiously. They're giving me headache. Oh gosh.
"What now? Walang magsasalita? Walang mage-explain?" Tanong ko sa mga 'to. Humarap sa'kin si elli.
"I met him last time. Nakikipagbugbugan sa isang uknown guys." Umiirap nitong sabi.
"Kung nagtawag ka naman sana ng police, edi sana nakatulong ka pa." Kamot sentidong reklamo ni steven kay elli. Agad naman na nagreact ang kaibigan ko.
"Excuse me." Iritang react ni elli.
"Dadaan ka? Sige, lubusin mo na. lumabas ka na." Agad namang tumayo si steven at iginaya pa ang kamay tutok sa pintuan.
"You just came here at kanina pa ako. Bat hindi ikaw ang umalis?" Singhal naman ng kaibigan ko.
Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Nalilito ako dahil sa salitan ng sumbatan nila sa isa't-isa. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang irita sa dalawa na ngayon ay nagsusumbatan pa rin.
"Will you guys shut the fck up!" Mariin kong sabi habang nakapikit pa ang mata ng mariin. Rinig ko naman ang pagtigil ng dalawa. Bumuntong-hininga ako at binuksan ang mata ko. Ganoon nalang ang pag-ayos ng upo ang dalawa.
"Wala ng magi-stay dito. Kayong dalawa? Umalis na kayo. I want to take a rest." Mariin na sabi ko. Agad kong pinatay ang netflix na kanina pa pala nagp-play.
"Girl, I wanna stay here. Siya nalang paalisin mo." Rinig kong sabi ni elli.
"Bat ako? Kaya nga ako nandito dahil kay amber. Epal ka kasi sa'min. It's our moment. It's my moment." Explain naman ni steven. Napakagat ako ng labi dahil sa sobrang stress dito sa dalawa.
"Mas epal ka. Can't you see? Netflix and chill kami tapos dumating ka? Hindi na tuloy chill ang nangyari naging epic disaster." Rinig ko namang pambawi na sabi ni elli kay steven.
YOU ARE READING
STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)
Ficção AdolescenteDo you believe that a girl can be so stupidly inlove to the point that she is willing to give everything?