CHAPTER 2

166 19 0
                                    

Chapter 2.

Nagising ako sa lamig mula sa bintana. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan oras.. 5 am na pala. Tamad akong bumangon at pumunta sa CR para gawin ang morning routine ko. Nagtoothbrush at naligo na ako. After nun ay nagpalit na ako ng isusuot kong uniform. Above the knee ang pink na kulay kong skirt at yung blouse na puti na may nakalagay na logo sa bandang kaliwang dibdib. Isinuot ko na yung high socks kong medyas at black kong doll shoes na may heels. Nagsuot na rin ako ng cycling ko para di naman makita ang perlas na silanganan. Graduating na ako kaya kahit papaano sa uniform ako bumabawi ng pagkamaayos.

Pinalitan ko ang gamit kong bag, kinuha ko yung bagong bili ni daddy para sa'kin. Shoulder bag yun pero pwde rin na gawing hand bag.. Nilagay ko gamit ko doon at naglagay na rin ng damit para sa party. Ayoko naman na umuwi pa para lang magpalit. Kumuha na rin ako ng paper bag at nilagay dun ang heels na babagay sa kinuha kong damit.

Bumaba na ako at nakasalubong ko ang mga maids sa baba. Ngumiti ako sakanila at ganun din sila sakin.

"Nak, kumain ka na. Naghanda ako ng heavy breakfast." ngiting sabi ni aling tessie ang head sa kitchen at naghahandle sa lahat ng maids dito sa bahay pati na rin sa guards. Siya yung pinakagusto ko sa lahat ng maids dito sa bahay.

"Hmm.. Mama, Pwde bang baunan niyo nalang ako? Gusto ko po kasing maaga ako sa school ngayon.. Hihi." sinasabi ko yun habang nakahawak sa kamay niya. Siya ang itinuturing kong nanay ko dito sa bahay. Alagang-alaga siya sakin dati, hanggang ngayon naman ay spoiled ako sakanya.

"Hay nako ka talagang bata ka. Oh siya, hintayin mo ako dun sa kotse at iaabot ko nalang sayo doon. Bibilisan ko ah?" ngumiti ito sa akin at agad akong tumango at ngumiti ng matamis sakanya.. Masaya akong pumunta sa garahe at namimili ng gusto kong sasakyan.

"Manong, dito po gusto ko." agad na sabi ko kay manong melchor, matagal na rin siya samin. Ngumiti ito sakin at binuksan ang pinto ng backseat para sakin. Agad naman akong pumasok at ibinaba ang gamit.

Nagvibrate ang phone ko at in-open ko naman yun para matignan kung ano ang nagnotif sakin.. At message yun ni steven sakin sa telegram.

"Nasaan ka na? Nandito na kaming lahat." napanguso ako kasi mas maaga pa pala sila kesa sakin.

"Hinihintay ko pa yung food na pinabaon ko kasi di ako kakain dito sa bahay. Wait niyo lang ako sa cafeteria." agad na reply ko at sumagot naman siya ng okay. Hinintay ko si aling tessie at ilang minuto lang ay nandiyan na siya para ibigay ang pagkain ko. Naka-paper bag pa.

"Fried rice, Spam at egg yan anak, ubusin mo yan ah? Naglagay na rin ako ng iced coffee. Alam kong paborito mo yun." lumabas ako sa kotse at niyakap siya. Nagpasalamat kasi alam niya ang mga paborito ko. Agad kong kinuha ang ibinigay niya sakin at bumalik sa loob saka ako nagpaalam.

Mula sa biyahe.. Maganda ang mood ko dahil di ko nakita ang nanay ko. Ano bang ine-expect ko doon? Tss.

Ilang minuto lang ng pagba-biyahe ay nakarating na ako sa school. Nakita ko naman sila kaagad na nagtatawanan at kanya-kanyang dala ng Iced coffee galing sa mcdo. Gusto ko rin yun eh!

Nakita nila na paparating na kotse ko kaya umayos na sila ng tayo at hinihintay akong bumaba. Kinuha ko na lahat ng gamit ko at lumabas.

"Eyyy! Sexy natin ah!" sigaw ni kit. Lahat naman ay nagtawanan maliban kay steven.

"Ang iksi ng palda mo. Ibaba mo ng kaunti. Nakikita na ang suot mong shorts." sabi nito sabay iwas ng tingin. Nakita ba niya? Maninilip!

"Relax steven! Ganyan din naman suot namin ah? Nako ha?" pasiring na sabi ni clare. Tumawa naman si anne at iba pang barkada.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now