CHAPTER 6

108 19 4
                                    

Chapter 6.

Nagising ako sa sikat ng araw galing sa bintana. Tumayo na ako pero ramdam ko yung sakit ng ulo ko. Para siyang binabasag. Fuck! Buti nalang talaga at saturday ngayon.

Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto. Hindi 'to ang bahay namin at alam ko kung kanino 'to. Kay steven.

Pumunta na ako sa CR at ginawa lang ang mga dapat gawin. May mga pambabaeng gamit dito si steven dahil either ako ang makakatulog dito or yung dalawang bruha. Nag-iwan nga kami ng mga gamit dito para in case na may ganito kami.. Laging handa.

Napansin kong wala na ang nipple tape sa dibdib ko. Tinanggal kaya yun ni steven? What?! Of course No! Mygosh amber!

Lumabas ako ng CR after kong matapos. Kinuha ko na rin ang kumot na nagulo at ibinalot sa katawan ko. Lumabas ako ng kwarto para hanapin si steven pero wala siya. Pumunta ako sa kitchen at may nakita akong note doon.

Goodmorning beautiful, eat this soup for you to sober up and drink this medicine after. Yung mga damit mo nasa room ko, bagong laba lang yun. Kinuha ko kay zed kagabi at idiniretso ko sa laundry shop. Eat well!♥

—Steven

Napangiti ako at umiiling-iling. Grabe siya kung mag-alaga sakin palibhasa ay walang jowa.

Hindi ako umuwi at hindi rin siya umuwi para siguro mabantayan ako. Kinain ko na yung soup at may pagka-maanghang unti. Lahat ay inubos ko sa sobrang gutom. After kong kumain ay ininom ko kaagad ang gamot.

Ilang minutong pananatili ko sa kusina ay pumunta naman ako sa kwarto niya. Pagbukas ko palang ng pinto ay ang pabango na niya ang bumungad sakin, ang bango. Tinignan ko ang mga gamit at lahat nakaayos. Akala ko magulo ang kwarto ng mga lalake, akala lang pala. Mas magulo pa nga kwarto ko kesa dito.

Pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto at hinanap ang mga gamit ko. Ilang saglit na paghahanap ay nakita ko 'yon sa dulong parte ng lalagyanan ng dami ni steven. Kinuha ko na ito pero may nahulog na picture. Pinulot ko yun kahit lukot-lukot. Titignan ko sana ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa labas. Agad kong ibinalik ang litrato sa kung saan ito nanggaling at lumabas na sa kwarto ni steven.

Nakita ko itong pawis at pagod. Dumiretso pa ito sa kusina para ata uminom. Daladala ko ang kumot at damit habang sumunod sakanya.

"Morning jog?" agad na tanong ko. Lumingon naman ito sakin at tumango. Nilagay niya ang baso sa sink at sabay na liningon ang lamesa. Nakita naman niyang malinis na ito. Ngumiti ito sakin na parang napaka-very good ng ginawa ko.

"Maligo ka na. Pupunta dito ang barkada." nangunot ang noo ko ng sabihin ito sakin. Nagtataka kasi ako, di ba sila nagkaroon ng hang-over? Tibay ah.

"Dito raw sila magi-stay hanggang gabi. Baka dito na rin matulog." dagdag pa nito. Napangiti ako kasi gusto ko silang kasama.

"Di ka nga lang makakasama dahil tumawag sakin ang mommy mo. Umuwi ka na raw sainyo." agad na nawala ang ngiti ko at pinalitan yun ng irap. Napangisi pa ako.

"Mommy ko? Kelan pa 'yon nagkaroon ng pake sakin? Hindi yung umuuwi steven dahil laging sa set na yun natutulog." napataas ang kilay kong sagot sakanya. Lumabas siya sa kusina at inayos ang sala para doon magstay ang barkada.

"Siya mismo ang tumawag sakin amber." buntong-hininga nito sa'kin. Nairita ako at gusto ko nanamang sumbatan ang nanay ko.

"Give me your phone." may awtoridad na sabi ko kay steven. Napatigil ito sa ginagawa niya at napatitig sakin ng walang gana.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now