CHAPTER 27

107 6 2
                                    

Chapter 27.

Hindi pa man tumagal ay agad kong itinulak si steven. Hindi ko alam kung nararapat bang intindihin siya dahil lasing ito o hindi. Pero kahit ano pa man ay hindi niya dapat ginawa 'yon. Sobrang mali.

"Get lost steven!" sabi ko. Hindi ko na napigilan ang inis ko.

"I'm sorry amber." sabi nito at sinubukang lumapit sa'kin pero lumayo ako.

"Steven, naiintindihan ko na gusto mo ako. But, doing such thing like this.. I'm sorry, get lost. Please." sabi ko at tinalikuran siya.

Rinig ko ang buntong-hininga nito. Ilang saglit lang ay rinig ko na ang pagsarado ng pintuan ko. Nilingon ko 'yon at nakaginhawa ako ng makitang wala na siya. Agad akong napahilamos ng mukha.

Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko. Masyado ng puno ang utak ko. Naiinis ako pero at the same time ay nalulungkot ako. Yung tanging kaibigan ko, wala na sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganto yung nangyayari.

Agad akong pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na itinuloy mga ginagawa ko dahil kahit pilitin ko ay iba pa rin ang pumapasok sa utak ko. Pakiramdam ko ay pagod ako. Bahala na sa kung ano mangyari bukas. Gusto ko nalang itong itulog.

Agad akong humiga at ipinikit ang mata ko. Buti at agad kong nakuha ang pagtulog ko. Nagising ako sa lamig na naramdaman ko. Kinuha ko ang phone ko para makita ang oras at agad akong bumangon ng makita kong 6 am na ng umaga. Kailangan ko pa namang mag-ayos dahil ngayon na ang speech ko.

Dinalian ko ang pagligo at mas ginugulgol ko ang pagaayos ko sa gamit at sarili ko. Mga ilang minuto lang ay natapos na ako. Wala na akong oras para kumain at napagdesisyonan ko nalang na sa labas na kumain.

Dali-dali akong pumunta sa parking lot at pagkapasok ng kotse ko ay agad na akong nagmaneho paalis sa condo. Bumili muna ako ng breakfast meal na nadaanan ko at pumunta sa school para magtanong regarding sa speech ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school. Agad akong pumunta sa faculty para kausapin si Ma'am Rumualdez. Hinanap ko pa ito sa table niya at nakausap ng saglitan lang. Pagkatapos ko itong makausap ay agad akong pumunta sa principal's office para magpaalam.

"Ma'am, Goodmorning po. Alis na po ako."  agad na bungad ko sakanya.

"Oh. Sure. Drive safely. Goodluck!" sabi nito sa'kin. Ngumiti nalang ako biglang tugon.

Agad akong umalis doon sa office at pumunta na sa parking lot. Wala na akong oras para magpakita sa mga kaibigan ko. Alam naman siguro nilang ngayon ang speech ko sa CA. Hindi mawala sa'kin ang kaba. Ang in-order kong meal ay hindi ko masimulang kainin dahil pakiramdam ko ay mailalabas ko 'to kapag kinakabahan ako.

Ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na ako sa CA. Marami na rin ang mga nagsisi-pasukan. Hindi pa rin naman mawawala ang mga tinginan ng kababaihan at kalalakihan dito sa school na 'to sa'kin. CA and LHA are not rivals but students are. Inggitan ng mga students. Lagi kasing nagkakalaban ang students ng CA at LHA sa mga competitions. Mapa-Academic, sports or talents man.

Kaya di talaga maitatanggi na maraming inggitan at awayan sa parehong students. That's why, I'm here para sa school. Explaining some sort of things. Such as building trust and friendship for the both schools. Mapapag-usapan din ang mga bagay na pwdeng makatulong sa parehong Academy.

Agad akong nakarating sa principal's office ng CA. Doon daw muna ako magi-stay since hindi pa naman magsisimula ang meeting. They need to gather all the students bago raw simulan ang meeting. Dito ko na nararamdaman ang lamig ng kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Para akong matatae ng wala sa oras. Yung kaba ko, pakiramdam ko ay pati puso ko na ang lalabas dito. Kulang nalang pati ang kaluluwa ko.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now