CHAPTER 10

91 16 2
                                    

Chapter 10.

Nagising ako ng maaga dahil may pasok pa pala. Naghanda na ako at agad-agad na naligo. Dali-dali akong gumalaw. At ilang minuto lang ay natapos na ako.

Bumaba na ako after kong gawin lahat ng dapat gawin. Naabutan ko na
ang ibang maids na inaayos ang pagkakainan ko. Agad akong umupo doon at sinimulan ng kumain. Hindi na ako umimik.

"Ma'am, yung mga gamit mo raw po kailangan ng ayusin sabi ng daddy niyo. Pupunta raw po siya mamaya dito para kunin lahat at ipupunta na sa condo niyo." sinabi ng isang maid habang nakangiti sa'kin. Tumingin ako sakanya.

"Pwde bang kayo nalang lahat ang magligpit ng gamit ko? May pasok pa kasi ako at hapon pa ako pwde." tumango naman ito at bumaling sa phone. Siguro ay kausap niya si daddy.

"Ma'am sabi po ng daddy niyo, ngayong umaga niyo rin magagamit ang kotse niyo. Hintayin niyo nalang daw po at padating na ang driver na nagda-drive nun." mas ngumiti ako ng marinig 'yon galing sakanya.

"Thank you daddy!" sigaw ko at siguro naman ay narinig niya 'yon. Ngumiti nalang ang maid sa'kin at agad na ibinaba ang phone. Paalis na sana ito ng may sinabi ako.

"Alam ko lahat ng mga gamit ko. Kung pwde lang ay dahan-dahan kayo sa mga 'yon. Salamat." walang halong pag-iinarte na sabi ko. Agad naman itong tumango-tango at ngumiti pa.

Nang matapos kong kumain ay iniligpit na 'yon ng isa pang maid namin. Naghintay nalang ako sa sala para sa darating kong kotse. At ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagdating nun.

Agad akong tumayo. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at lumabas. Excited na akong magamit 'yon ngayon araw. Lumabas na ako ng gate at nagulat ako sa red porsche na nandito. May lumabas doon na isang lalake. Nakadamit ito ng pormal. Butler ata 'to ng tatay ko. Di na ako magtataka kung merong extra key ang tatay ko.

"Kuya, pano kayo uuwi?" agad na tanong ko sakanya ng makalapit ako.

"Pupunta po mamaya si sir dito maam, kukunin po lahat ng gamit niyo at ita-transfer lahat sa condo niyo malapit sa school." agad akong tumango sakanya at ngumiti.

Bumaling ako ng tingin sa sasakyan ko at hindi ako makapaniwala na eto ang first car ko. Agad kong kinuha ang kotse ko at pinindot 'yon. Bigla naman na nag-ingay ang kotse hudyat na akin nga 'yon.

Kumaway ako sa butler ng tatay ko. Agad naman siyang ngumiti sa'kin. Pumasok na ako at umupo sa driver seat. Ang sarap ng pakiramdam ah? Agad kong pinaandar 'yon at minaneho papuntang school.

Ilang oras ng pagmamaneho ko ay nakarating na ako kaagad ng school at lahat ng barkada ko ay nasa parking lot. Hinihintay ata ako. Agad silang nagtaka sa kotse kong paparating. Nagtinginan sila sa pwesto ko at malamang sa malamang marami na rin ang nagtinginan. Agad kong pinark ang kotse ko sa pwesto ko. Inayos ko ang sarili ko. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na ng kotse.

"Hey!" nakangisi kong bati sakanila. Lahat naman sila napangisi sakin. Ni-lock ko ang porsche ko at lumapit na ako kaagad sa mga loko.

"Nice car btch." bati sakin ni clare. Natawa naman doon si anne. Ngumisi nalang ako sakanya. Nagsimula na kaming maglakad.

"Kamusta hang-over niyo?" baling kong tanong kay lawrence at steven.

"Ayos lang naman. Nakapagpahinga na rin." sagot ni lawrence at tumango nalang si steven sa'kin.

"Nakasama mo ulit ang daddy mo ah." sabi sakin ni zed.

"Oo naman. Binisita niya ako kahapon." sagot ko sakanya. Napangiti naman siya doon.

"Kamusta naman? Nandoon ba ang mommy mo?" nag-aalalang tanong ni kit sa'kin. Lumingon ako sakanya.

"Of course not. Walang pake ang nanay ko." irap ko sakanya at tumawa rin kalaunan. Tumango nalang siya sa'kin.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now