Chapter 9.
After kong umiyak ng dahil sa nakita ko ay agad naman akong naka-idlip. Dahil na rin siguro sa pagod at puyat galing sa condo unit ni steven.
Nagising ako sa ingay sa baba. Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Lumabas ako ng kwarto at nag-unat pa. Narinig ko ang boses ni daddy kaya agad akong napatingin sa baba.
"Daddy!!!" sigaw ko sakanya habang nakangiti. Agad naman itong tumingin sakin at tinawag ako pababa. Dali-dali akong bumaba na halos madulas na ako.
"Dahan-dahan anak." agad na sabi nito sakin ng makayakap na ako sakanya. Nangingilid ang luha ko habang nakayakap sakanya at nakita niya 'yon.
"Baby pa rin talaga kita." buntong-hininga niya sakin sabay yakap ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ko pabalik sakanya.
"Sir, kain na po kayo. Naghanda na po ako." sabi ni aling tessie sa daddy ko. Tumango naman ang tatay ko at ngumiti. Tumingin siya sakin at tinignan ko naman siya.
"Tara na, may regalo ako sayo anak. Ibibigay ko mamaya kaya kumain ka ng marami. Okay?" humiwalay ako sakanya at ngumiti.
"Yes po!" tili ko at sabay na kaming pumunta ng kusina. Ang daming niluto ni aling tessie. May adobong karne, Carbonara at Fried chicken. Sabi nito ay nagpabili rin si daddy kanina ng cake kaya ayun. May rainbow cake din sa mesa.
Hindi na namin hinintay ang nanay ko. Ayoko rin naman siyang kasabay if ever. Baka mawalan pa nga ako ng gana kapag kasama namin siya mamaya sa hapag.
Gaya ng sabi ni daddy marami akong kinain sa harapan niya. Tuwang-tuwa naman siya sa'kin. Daddy's girl talaga ako. Kahit kelan ay hindi ko ginusto ang nanay ko.
"Anak, kamusta ang pagmo-modelo?" tanong sa'kin ni daddy habang sumusubo ako ng fried chicken. Napalingon naman ako sakanya.
"Ayos lang naman daddy. As of now, pinayagan ako ng manager ko na mag-focus muna ako sa studies ko. napag-usapan namin na ngayong college.. Minsan nalang muna ako mag-photo shoot." explain ko sakanya. Tumango-tango naman siya at kumuha siya ng cake sa table.
"Ang studies mo anak? Kamusta?" tanong niya ulit sa'kin. Kumuha ako ng isa pang fried chicken. Masarap eh?
"Hassle po daddy kasi dito pa po ako umuuwi. Ayoko na po dito. Maaga pa po ang pagpunta ng school. kaya 5 palang ng umaga ay naghahanda na ako para hindi ma-traffic." nakanguso kong sabi sakanya at nginunguya ang karne.
"Ayaw mo na dito? Bakit?" takang tanong ng tatay ko. Itinigil ko ang pagkain ko at tumingin sakanya.
"Daddy, nabo-bored na ako sa ganitong kalaking bahay. At yung nanay ko, wala rin naman lagi dito at isa pa po.. Ayoko na siyang kasama." pagmamaktol ko sakanya. Napangiti naman siya sa'kin dahil sa sobrang kulit ko siguro.
"Kumain ka na at mag-uusap pa tayo mamaya." tinapos niya na ang pagkain niya ng cake pero heto ako.. Kakain pa ng chicken. Sa ngayon na wala pa akong photoshoot.. Kakain muna ako ng marami.
Lumabas ang daddy ko dahil may tatawagan daw siya. Tumango-tango lang ako at kumakain pa. Bat ang sarap ng pagkakaluto ni aling tessie? May something eh?
"Anak! Halika!" rinig kong sigaw ng tatay ko sa sala. Kumuha ako ng dalawang chicken. Tag-isa sa dalawang kamay ko at pumunta kaagad sakanya.
"Bakit po dy?" takang tanong ko. Ngumiti ito sa'kin kaya ako naman ay nangunot ng noo.
"Matagal ko ng gustong ibigay 'to. Ngayon mo lang talaga kakailanganin. Here." sabi nito sa'kin at nagbigay ng 4 na susi. Yung isang 2 pair of keys ay para sa kotse at ang isa.. Ay para sa...
YOU ARE READING
STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)
Подростковая литератураDo you believe that a girl can be so stupidly inlove to the point that she is willing to give everything?