CHAPTER 14

94 17 15
                                    

Chapter 14.

Nagising ako sa lamig na naramdaman ko sa katawan. Nararamdaman ko ang bigat nito. Tinignan ko ang labas ng bintana ko nakasara naman ito.

Tinignan ko ang oras at 4 am na ng umaga. Sinubukan kong tumayo ngunit napaupo rin ako sa sakit ng ulo. Ramdam ko ang pagsama ng lalamunan ko. Para itong nangangati na ewan.

Napatingin ako sa pintuan ko ng magbukas 'yon. Nakita ko si steven na may dalang tubig. Nang makita niya akong nakaupo ay dali-dali niya akong nilapitan.

Hinawakan niya ang kamay ko ngunit agad niya ring nailayo 'yon. Napangunot ako ng noo sakanya.

"Fuck! You're sick." Agad niyang hinawakan ang noo ko at napailing-iling.

"Kulang nalang ay kumuha na ako ng itlog para magluto dyan sa noo mo." Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakuha pa nitong mabiro kahit na ganto ang kalagayan ko.

Napangiwi naman siya kaagad na parang binabawi ang sinabi nito sa'kin.

"Sa sala ka muna lalabas ako at bibili ako ng gamot mo. May gusto ka bang ipagbili sa labas?" Tanong nito habang naglalakad kami sa labas. Hindi muna ako sumagot.

Hinayaan ko siyang paupoin niya ako ng maayos. Nilagyan pa ako nito ng unan o kumot para raw kung gusto kong matulog ay magagawa ko rin.

"I want something spicy. Hanap ka korean noodles. Yung alam mong makakayanan ko ah?" Napangiti ito sa'kin. Lumapit ito sa'kin at hinalikan ang noo. Gawain na niya ata 'yon.

Napangiti naman ako sakanya. Kumuha siya ng jacket at kinuha rin ang kanyang susi. Pinapanood ko lang siya habang ginagawa 'yon. Nagsimula na itong lumabas ngunit hindi pa niya naisasara ang pintuan ay may sinabi pa akong pahabol.

"Steven, spicy kimchi too and a lot of milks!" Nanghihina pero nasabi ko naman ito ng maayos. Natatawang umiling si steven. Napatango na rin ito sa huli at agad ding isinara ang pintuan.

Naiwan akong mag-isa. Dahil doon ay napaisip nanaman ako sa nangyari kanina. Hindi ko maintindihan si damon. Ang gulo.

Hindi ko malaman kung gusto rin ba ako. Kung titignan ang mga ginagawa niya sa'kin.. Masasabi ko naman na may pakealam siya sa'kin dahil kung hindi ay sana hinayaan niya na ako sa bar para mabastos. May problema kaya siya?

Sumakit ang ulo ko kakaisip sa kung ano ang dahilan ni damon. Pakiramdam ko ay kaya niya akong mahalin. Hindi ko lang alam kung may pumipigil ba sakanya o ano.

Nangingilid ang luha ko sa mga naiisip ko. Mahal ko si damon. Nasasaktan man ako pero titiisin ko 'yon. Nagiging tanga man ako pero ayos lang. Ganon ako mag-mahal.

Ilang minuto pa ay bumukas na ang pintuan. Kararating lang ni steven at nakita kong marami itong dala. Kumunot ang noo ko sa mga 'yon.

"Wait me here." Saad nito bago pumasok ng kusina. Tumango nalang ako at sinundan siya ng tingin hanggang makapasok na ito sa loob.

Inayos ko na ang sarili ko. Agad na bumalik si steven dala ang mga gusto ko. Inilatag nito ang silbi kimchi at 2 malaking gatas. Napalunok ako dahil ramdam ko ang gutom. Natawa naman si steven dahil alam siguro nitong gutom na ako.

"Kunin ko lang 'yung noodles." Ngumiti ako sakanya at tumango-tango. Umalis naman ito kaagad. Ilang saglit lang ay bumalik na ito hawak ang isang tray. Nakita kong dalawang malaking noodles ang nandoon. Siguro sakanya ang isa.

Inilapag na nito kaagad. Lumapit ako doon at binuksan ang noodles. Amoy ko na ito'y maanghang. Agad na inilabas ni steven ang gamot doon. Nagulat ako ng 1 kahon ang kinuha niya.

"Ang dami niyan." Nakangusong sabi ko sakanya. Napatingin naman ito sa'kin at natawa.

"Extra mo na rin ang iba. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako para bantayan ka. Binabantayan ko rin si lhen." Explain nito sa'kin.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now