CHAPTER 7

106 19 4
                                    

Chapter 7.

Humikbi ako at pinagdesisyonan na ayusin na ang sarili ko. Sa totoo lang ay ayokong umiyak sa ganitong lugar. Public places kumbaga. Ayokong makita ako ng iba na umiiyak.

Sa lagay ko ngayon, nanghihina ako dahil sa nakita ko pero.. Di ko kayang iwasan si damon. Gusto ko siya eh? Maghahabol ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang mukha ko. Namumula ang mata at ilong ko, yung labi ko naman ay parang mas pumula. Kinuha ko ang pulbo ko at nag-ayos para di halatang umiyak.

Ilang minuto lang ay nakita ko na si clare at anne pero may nililingon sila sa loob. Siguro ay hinihintay nila ako. Kumaway ako sakanila at buti nakita yun ni clare kaya hinila niya ang buhok ni anne.

Natawa nalang ako dahil sinabunutan din ni anne si clare. Osige. Magsabunutan kayo.

"Nandito ka na? Di mo kami sinamahan sa pila ha?" irap na sabi ni clare. Napairap din ako sakanya.

In-open na niya ang kotse. Nauna ng pumasok si anne. Umupo ito sa backseat at siyempre ako na wala kanina.. Tinulungan ko si clare na ilagay ang mga pinamili sa trunk ng sasakyan. After nun ay ibinigay niya ang susi sakin at ngumisi. Sumakay ito sa passenger seat.

Umiling ako sakanya na para bang.. Pinapayagan niya akong patakbuhin yun. Sumakay na ako sa driver seat at pinaandar na ang kotse. Noong una ay sakto lang naman ang bagal pero noong alam ko ng maluwang ay pinatakbo ko na ng mabilis. Tumili naman ang dalawa kaba at ako? Tatawa-tawa lang habang nagmamaneho.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa condo ni steven. At padabog na lumabas ang dalawa. Dumiretso si clare sa trunk para kunin ang pinamili at tumulong naman si anne. Masama ang tingin nila sakin at tumatawa ko lang silang tinignan. Nauna na akong pumasok.

Nakarating na ako sa unit ni steven at agad na kumatok sa pinto niya. Ilang saglit lang ay binuksan na niya ito. Nagtataka pa itong tumingin sakin kasi nagpipigil ako ng tawa habang pumapasok.

Sumandal ako sa couch ni steven habang nakatingin sa pintuan niya at Ilang saglit pa ay pumasok na rin ang dalawa. Buhaghag ang buhok ng mga 'to at akala mo ay natuyuan na ng dugo at tubig sa katawan.

"Anong nangyari sainyo?" takang tanong ni zed habang natatawa sa itsura nila.

"Tanong niyo kay amber." dabog na nilapag ni anne ang mga pinamili. Natawa naman ako sakanya.

"Ano nga kase?" kamot batok na sabi ni kit.

"Aba'y gago yang si amber. Pinatakbo ba naman ng sobrang bilis ang kotse ko. Akala mo nasa karera. Gago amputa." singhal ni clare. Kulang nalang ay umusok na ang ilong nito. Tumatawa nalang ako. Umiling sila sakin at hindi ako pinansin. Nagsorry ako sa mga 'to dahil baka hindi na ako pansinin.

"Sino magluluto?" takang tanong ko sa mga lalaki. Agad naman nilang itinuro si steven na ngayon ay kumakain ng chips na binili namin. Ay hindi, sila clare pala.

Napairap naman si steven at agad na tumayo papunta sa gawi ko dahil nandito ako sa sink at nakasandal lang doon.

"Ano ang lulutuin mo?" tanong ko sakanya. Tumingin naman siya sa pinamili namin at sinabing sinigang na karne nalang daw.

Pinahugas niya sakin ang karne at pinahiwa ang iba't-ibang gulay. Hinugasan ko na rin lahat yun para handa nalang na iluto.

Iniwan ko na siya mag-isa doon at nakisama sa iba. Naghahanda na sila. Naglagay pa sila ng maliit na table sa gitna para paglagyan ng pagkain. 7:30 pm na at madilim na rin sa labas. Isinarado ko na rin ang kurtina sa malaking bintana.

Lahat sila ay may ginagawa at ako lang ang wala. Umupo muna ako sa couch at kinuha ang phone ko. Nag-open ako ng IG ko. Of course, walang nagbago bukod sa pagdami ng followers ko. Nag-check din ako sa twitter at ganun din. Boring na boring ako sa CP ko.

STUPIDLY INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now