CHAPTER 7

336 11 0
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto ko nakatayo sa malaking salamin at tinititigan ang sariling repleksyon.

Suot ko ang binigay na dress ni Phoenix saken. It was a maroon mermaid long dress that has slit til upper thigh on my left leg. In my upper body it was design in a turtle neck, I paired it with black 3 inches heels. I put powder on my fave and lip gloss on my lips. My hair was form in a bun with some strands of my hair in my forehead left.

I heard a knocked on my door.

"Miss Scott, naghihintay na po ang master sa baba" rinig kong sambit nito.

Kinuha ko na ang pouch ko na katerno ng dress ko bago naglakad papunta pintuan at binuksan ito.

Nginitian ko ang katulong na nakanganga habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Wow miss Scott di ko alam na may igaganda pa pala kayo! Tsk! Sobrang ganda niyo po! Mas maganda pa sa artista o modelo" puri nito at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo.

Grabe to ah! Nanlalait na'to sa kapwa pero ayos lang kasi totoo naman ang sinabi niya hahaha!

"Sigurado po akong nganga si master pag nakita ka niya ngayon" namula ang mukha ko ng sinabi niya yun.

Talaga ba?

"Hala si miss Scott namula, siguro crush niyo si master no?" Mapanuya ang boses nito at malaking ngiti ang nasa mukha niya.

"D-di ah! Ang s-sama kaya ng ugali nun!" Tanggi ko at todo iling pa.

"Ito naman si miss Scott depensib masyado! Tara na nga po!" Tatawang tawang saad nito at akmang lalakad na pero pinigilan ko siya sa braso.

"Bakit po miss Scott?" Nagtatakang tanong niya.

"A-ah ano k-kasi yung sinabi mo kanina" nakayukong tugon ko para di niya makita ang pamumula ko.

"Ha? Asan dun Miss Scott?"

"Y-yung tinanong m-mo saken"

"Yung crush mo si master?" Tumango lang ako.

"bakit anong meron po ba?" Tanong niya ulit.

"Y-you think I h-have crush o-on him?" Halos ibulong ko na lang yun sa sobrang hina ng boses ko pero alam kong rinig niya parin yun.

This is embarrassing as fuck!

"Ano po ba ang nararamdaman niyo pag andyan siya malapit sayo?"

Ano nga ba? Eh lumalakas lang naman ang tibok ng puso ko at parang kinakabahan ako na ano!

Di ko naman siguro gusto ang lalaking yun kasi natatakot nga ako sa kanya, kaya siguro lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko pag andyan siya. Tama! Tama! Ang talino ko talaga.

Binalingan ko ang katulong at nakangiting inilingan siya.

"Kalimutan mo nalang yun" saad ko at naunang naglakad pababa.

Naabutan ko ang lima na nakaupo and as usual tahimik lang ang magpinsan samantala ang tatlo ay napakaingay! Di ba sila nakakasurvive ng di nagiingay?

Tunong ng takong ng heels ko ang nagpabaling nila sa direksyon ko ng sabay sabay. Biglang tumahimik ang buong sala at tinititigan lang ako ng lima, nakakailang kasi nakatitig lang sila saken. Di sinasadyang maligaw ang mga mata ko kay Phoenix na blankong nakatitig saken.

Tsk! Wala ba talagang tong pakiramdam sa katawan tong lalaking to? Palagi nalang blanko ang mukha kung di siya galit.

"Wow my labs sobrang ganda mo"nakatulalang sabi ni Lance.

In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon