CHAPTER 32

302 13 2
                                    

Nagising ako sa isang malambot na kama at hindi pamilyar na kwarto. Madilim ang buong paligid at napakatahimik din.

'Asan ba ako?'

Natanong ko sa sarili.

Ano ba'ng nangyari at napunta ako dito?

Ang huli kong naalala ay papunta kami dapat ni Zef sa companya ni Phoenix tapos...

Mga nakasunod na itim na sasakyan...

Pagbunggo nila sa sasakyan ko...

Ang pamamaril nila...

Ang pagdating ni Phoenix...

Calif...

At yung nawalan ako ng malay...

'Sleep first my sister in-law'

What does he mean by that?

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang ingay ng pagbukas nito. Mula doon ay pumasok ang kakaunting ilaw na nahaharangan ng isang malaking pigura ng lalaki.

Napabangon ako at napaatras sa kinahihigaan hanggang sa nasandal ako sa headboard.

"So you're awake my sister in-law" ani ng isang pamilyar na boses.

Sister in-law? Bakit niya ako tinatawag ng ganun?

'Mukhang sabog ang gagong to ah? Kung ano-ano nalang ang tinatawag saken!'

Plano ko sana siyang asarin kaso naalala ko ang nangyari kahapon dahilan para manumbalik ang takot sa puso ko.

"S-sino ka?... S-saan ako?" Kabadong tanong ko.

Nanatili siyang nakatayo sa pinto at nakasandal.

"I don't think it's important for you to know where we are when I know that you don't know this place" sagot niya.

"A-ano bang kailangan mo saken?"

"Hmm..." Kunwaring nagiisip siya at biglang humakbang palapit saken hanggang sa makarating siya sa gilid ko. "I don't need anything from you" sabi niya.

Nananatili siyang nakatayo sa gilid ko at alam kong nakatingin siya saken ng diretso kahit 'di ko man makita ay nararamdaman ko naman.

"W-wala ka naman pa lang kailangan saken eh! Pakawalan mo na ako!" Sabi ko.

"But for him..." Diin niya sa huling salitang sinabi at lumapit saken, umupo. "Let's just say that... I need you as my bait to trap the devil" makahulugang sabi niya.

Devil... Narinig ko na iyan at isa lang ang alam kong tinatawag na ganyan.

Phoenix.

"A-anong kailangan mo sa kanya?"

"Everything, Scarlet. Everything" sagot niya.

Napasinghap pa ako ng banggitin niya ang pangalan ko.

'He knows me!'

Napalunok ako. "S-sino ka?"

Di niya ako sinagot at inabot ang lamp at pinailaw ito.

Napapikit ako ng nasilawan ang mga mata ko. Nang maka-adjust ang mata ko ay dahan dahan akong nagmulat at isang kulay itim na mga mata ang nakasalubong ko.

In The Arms Of The Possessive Mafia Boss (Series 1: Phoenix's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon